^

PSN Showbiz

Parang gaga female personality na tambak ang selfie at mukha ng BF, imbyerna sa mga pakialamera

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming naiimbiyernang kababayan natin ngayon sa isang pamosong female personality. Umoober na raw kasi ang kaartehan ng babaeng personalidad na ito na ang dami-daming kuda.

Nagagalit siya kung bakit daw pinakikialaman ng ibang tao ang kuwento ng kanyang personal na buhay, ang dami-dami raw naman niyang nagagawang makabuluhang proyekto na puwedeng ibalita, pero bakit ang binubusisi ng iba ay ang kanyang lovelife.

Isang inis na inis na source ang nagsabi, “Magtanong pa ba kung bakit ang personal life niya ang palaging nagiging kuwento tungkol sa kanya? Manalamin nga siya?

“E, sino ba kasi ang unang-unang nagpapakalat ng mga ganu’ng kuwento, ibang tao ba? Ano ba ang palaging laman ng mga social media accounts niya, ‘di ba, puro tungkol sa karelasyon kuno niyang foreigner?

“Siya ang nagkakalat ng mga kuwento, puro ‘yun ang laman ng IG account niya, pero may mukha pa siyang kuwestiyunin ngayon ang mga taong nagpipista sa lovelife niya?

“Puwede ba? Kundi ang lalaking mahal niya ang ipinangangalandakan niya sa mga posts niya, e, selfie naman siya nang selfie! Kahit saan na lang na puntahan niya, naka-selfie siya, kaya magtigil na nga ang babaeng ‘yan sa kakukuda!” inis na inis na kuwento ng aming impormante.

Negang-nega ngayon sa social media ang babaeng may korona sa ulo, bugbog-sarado siya ngayon sa mga hindi kagandahang komento ng mga netizens, selfie pa more ang kanilang sigaw.

Patuloy ng aming source, “Kung tatantanan niya ang kapo-post tungkol sa kanila ng boyfriend niya, kung titigilan niya ang kase-selfie at magagandang kuwento ang ipo-post niya, e, gaganda ang image niya!

“Naku, ‘no! Magtigil nga siya, watch your back, huwag mong idamay ang ibang tao sa mga kuwentong ayaw mong napapanood at nababasa, dahil ikaw ang nagpapasimuno d’yan!” iritadong komento pa ng aming source.

Ubos!

Andi umurong na ang dila!

Maraming nagtatanong kung bakit si Andi Eigenmann lang ang pinuputakti ng mga negatibong komento ngayon sa social media? Bakit daw hindi rin atakihin ng mga netizens si Jake Ejercito na tulad ni Andi ay hindi rin naging totoo tungkol sa pagiging ama ng anak ng aktres?

Sana raw ay nagpakatotoo rin nu’n si Jake, sana raw ay siya na ang nagkusang maglabas ng katotohanan na hindi si Albie Casiño ang ama ni Ellie kundi siya, ‘di sana raw ay hindi na nauwi sa malaking gulo ang paglabas ng katotohanan?

Kung meron mang dapat panagutan si Jake sa pagkakataong ito ay napakaliit lang, hindi tulad ng dapat panagutan ni Andi, dahil ito ang ina ng bata. Mahirap na nga namang manguna, sabi siguro ni Jake, dahil baka kahit meron na siyang ebidensiyang resulta ng DNA test nila ng bata ay idenay pa siya ng aktres.

Maaari ring meron na silang usapan tungkol sa isyu, baka ang pinagkasunduan nila ay si Andi ang maglalabas ng katotohanan, kaya nga lang ay naunahan ito ng kanyang kapatid.

Para maiwasan ang mga haka-haka at opinyon ng marami ay walang ibang pinakamagandang dapat gawin si Andi kundi ang magsalita na. Boses nito ang hinihintay na marinig ng publiko.

Hanggang hindi nagsasalita ang aktres ay malayang nakabukas ang pintuan ng kanyang personal na buhay para husgahan-opinyunan ng kahit sino. Walang pamimilian si Andi kundi ang tanggapin ang kahit anong gustong sabihin ng ibang tao dahil nananahimik lang ito sa napakalaking kontrobersiyang ito na kailangang bigyan ng pansin.

Kung gaano katapang nu’n si Andi na konting komento lang na mabasa nito ay agad nang nakasagot, bakit ngayon ay para itong pipi at bingi, umurong ba ang kanyang dila na dating kawag nang kawag sa kabobomba kay Albie Casiño at maging kay Jake Ejercito?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with