^

PSN Showbiz

Zanjoe walang takot maging gay lover!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang pagbabalik ni Bela Padilla sa anniversary episodes ng Ang Probinsyano. Pinatay na ang karakter ni Bela sa Ang Probinsyano pero muling mapapanood ang aktres sa primetime teleserye ng ABS-CBN.

SEEN: Hindi natakot si Zanjoe Marudo na gumanap na macho gay lover ni Sam Milby sa The Third Party ng Star Cinema dahil lalaking-lalaki siya.

SCENE: Balik-pelikula si Beauty Gonzales at pumayat na siya matapos magsilang ng baby girl noong February 2016. Mapapanood si Beauty sa The Third Party.

SEEN: Dumating na ang araw na kinatatakutan ni Darren Espanto dahil nagbibinata na siya kaya dahan-dahan nang nagbabago ang singing voice niya. Magaling bumirit si Darren at abot na abot ng boses niya ang matataas na nota noong binatilyo pa siya.

SCENE: Professional, marunong makisama at walang attitude si Enchong Dee kaya paborito siya ng Regal Entertainment, Inc. Malaki at importante ang role na ibinigay kay Enchong ng Regal sa Mano Po 7.

SEEN: Ikinalungkot ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang pagpanaw ni Senator Miriam Defensor-Santiago. Sinabi ni Erap na ipinagdasal niya agad ang kapayapaan ng kaluluwa ni Santiago.

SCENE: Nakaburol ang labi ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Quezon City. Wala sa plano ng kanyang pamilya na naulila na ipa-cremate ang bangkay niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with