^

PSN Showbiz

Coco nakabili na rin ng resort sa Batangas!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Wow, nakabili na rin pala ng resort sa Batangas si Coco Martin. Yup, inaayos na raw ito at magsisilbi itong pahingahan ng actor at ng kanyang mga pamilya.

Malapit-lapit daw ito sa resort na pag-aari ng pamilya nina John Prats ayon sa isang source.

Mani lang nga naman siguro ang halaga ng nasabing resort sa rami ng kinikita ni Coco sa kasalukuyan.

Basta ang isang sigurado lang, marunong siyang humawak ng pera at alam niya kung saan mag-i-invest.

Nauna nang nakabili ng malaking lupa na pinatayuan ni Coco ng kanyang pangarap na bahay para sa pamilya sa may area ng Fairview.

Kagabi ay nagkaroon ng star studded anniversary presscon ang Ang Probinsyano na naka-isang taon na sa ere.

Lolit Solis namroblema sa mga naiwang pearls at alahas ni Sen. Miriam

Problemado si Nay Lolit Solis kahapon sa pagpanaw ni Sen. Miriam Santiago. Ang pinoproblema niya, ang malalaking pearl ng mahusay na senadora. Sino raw kaya ang magmamana ng mga naglalakihang perlas ng senadora na nakikitang suot niya sa tuwing may sesyon at may mga pinupuntahan siyang mga okasyon.

Maging ang malalaking mga hikaw na may mga batong ruby ay naispatan din ni Nay Lolit kahapon sa TV habang ipinakikita ang mahahalagang sandali ng buhay ni Sen. Miriam na pinanghihinayangan ng marami na hindi nanalong presidente ng bansa sa dalawang beses nitong pagkandidato.

Parehong lalaki ang naging supling ni Sen. Miriam, ang isa pa ay nag-suicide years ago. Kaya naisip agad ni Nay Lolit ang mga nasabing mga pearl at mga alahas kung kanino mapupunta.

Baka puwedeng si Heart Evangelista, na ang turing sa dating senadora ay second mother niya. “You would read vogue for me and in return I would study your law books... You made me study the “serious Einstein subjects” and bring me to meet the “kings and queens” the way you would say it...

“You showed me so much of the world, put on my slippers when I had a migraine and fed me the best lobsters in bed...i would sleep over for weekends and stay up till 2am and we would talk about cleopatra and grace Kelly... Your big hair and workout clothes, your lambing tone,your sweetness and kisses...

“When this photo was taken a halo appeared on my screen... Indeed you were and will always be my guardian angel...” pagbabahagi ni Heart sa naging relasyon niya sa senadora na nagpakilala sa kanya kay Sen. Chiz.

Pero malamang sa manugang or apo niyang babae kung meron na.

Anyway, tuloy na ang biyahe ng talent manager/PSN/PM columnist sa Korea para bisitahin ang mga location ng kinababaliwan niyang Koreanovela na Descendants of the Sun na bida ang sikat na Korean actor na si Song-Joong Ki na mas kilala niya sa character na Captain Lucas.

Yup, kung kailan naging senior citizen, saka naman literal na nahumaling siya sa batang actor na pinakasikat sa Korea sa kasalukuyan dahil nga sa Descendants of the Sun. Pati ‘yung hospital na pinagsiyutingan ng serye ay gusto n­iyang bisitahin. At ang the height pati ang elevator na sinakyan nito at ng gumanap na girlfriend niya na si Song Hye-Kyo ay gusto rin sakyan.

Bukod kay Song-Joong Ki, gusto rin niyang mara­ting ang mga lugar na sumikat sa Koreanovela ring My Love from the Star na ang bida naman ay ang Korean actor na si Kim Soo-hyun.

Kahit daw ‘yung condo na tinirhan ng mga bida ng nasabing telenovela na noon pang 2014 sumikat ay gusto niyang mabisita.

Bago siya nahumaling kay Song-Joong Ki nauna na siyang nabaliw sa lead actor ng My Love… na pinaplanong i-remake ng GMA-7.

Kinokontrata niya ang isang travel agency para mapuntahan ang mga nasabing lugar kahit magastusan pa siya. Hahahaha.

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with