^

PSN Showbiz

Tommy sasaluhin ang anak ni Miho?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pangungunahan nina Tommy Esguerra at Miho Nishida ang kwento isang babaeng ipaglalaban ang karapatan ng anak para suportahan ng Amerikanong ama na umabandona sa kanila nga­yong Sabado (Oct. 1) sa hit legal drama na Ipaglaban Mo.

Nagtatrabaho si Bessy (Miho) bilang waitress sa isang steakhouse na pag-aari ng pamilya ni Matthew (Tommy), isang American Citizen. Lihim na may pagtingin si Matthew kay Bessy pero bago pa siya makapagtapat ay mapapaibig na si Bessy sa Amerikanong sundalo na si Jeremy. 

Magsasama sina Bessy at Jeremy sa iisang bubong at magbubunga ang kanilang pagmamahalan. Buong akala ni Bessy ay maayos na ang kanilang buhay at naghihintay na lang na gawing dependent ni Jeremy hanggang sa isang araw ay bumalik ito ng Amerika at naglaho na parang bula.

Paano sisingilin ni Bessy si Jeremy sa obligasyong tinakasan nya? Paano makakatulong si Matthew sa paghahanap niya ng hustisya?

Kasalukuyang ipinagdiriwang ng Ipaglaban Mo ang ikalawa nitong anibersaryo sa ere.

Nagbibigay din ng libreng legal consultation sa publiko ang hosts ng programa na sina Atty. Jose at Jopet Sison sa pakikipagtulungan sa ABS-CBN Tulong Center.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with