^

PSN Showbiz

KAPPT ipapa-drug test na lahat ng artista?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Talaga lang dapat ipa-drug test ng Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebis­yon (KAPPT) ang mga miyembro nila para maihiwalay na ang may masamang bisyo sa iba. Kaysa naman ang PNP pa ang maglagay sa kanila sa alanganin.

Wala namang nakakahiya sa mga may bis­yo, maaari pa itong mawala sa kanila. Maari pa silang magpa-rehab at magbago. Pero sana maging understanding ang gobyero sa kanilang kalagayan. Iba ang demand ng pag-aartista at marahil ng buhay na rin na maaaring maging dahilan para gumamit ng bawal na gamot ang isang may ganitong trabaho.

Heart maagang bumitiw sa negosyo

Thirteen years old lamang si Heart Evangelista nang i-give up niya ang karapatan mula sa negosyo ng kanyang mga magulang. Ibinigay niyang lahat sa mga kapatid niya ang dapat ay maging share niya.

Ganito rin naman ang patakaran na sinusunod niya sa kanila ni Sen. Chiz Escudero, kung ano ang sa asawa niya ay sa kanya lamang. Meron siyang sa kanya lamang na mula naman sa sarili niyang kayod. Ito ang pinagkasunduan nila ng asawa niya sa kanilang pre-nuptial agreement.

Sumasali sa Musical Hero maraming alam na talento

Parang mas interesting ‘yung pakontes ng Eat Bulaga na My Musical Hero kaysa sa ibang paligsahan na napapanood sa TV para sa mga kabataang may talento sa musika.

Hindi lamang kumakanta ang tumutugon sa panawagan ng EB kundi magagaling din na instrumentalists, mga kabataang nakaka-proud dahil marunong maggitara, mag-piano, mag-drums, mag-violin, mag-saxophone, atbp. Marami sa kanila ang nakakapagko-compose ng songs dahil nga sa kaalaman nilang tumugtog ng musical instruments. At marami sa kanila ang may mukha rin.

Pinoy TV series recognized na sa abroad

Ang suwerte naman ng Pilipinas dahil kasama ang dalawang palabas ng ABS-CBN na Bridges of Love at Pangako Sa ‘Yo para sa mga nominado sa pinakamagandang serye at pinakamagaling na artista. Ang seryeng Bridges of Love nina Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Maja Salvador ay nominado para sa pinakadramatikong serye. Habang si Jodi Sta. Maria ay nominado bilang best drama actress in a series sa Pangako Sa ‘Yo.

Kapag nanalo tayo ay baka magsimula nang mapansin din ang mga trabaho na ginagawa ng mga Pinoy sa TV na tanggap na sa maraming kapatid nating bansa sa Asya at sa maraming panig ng mundo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with