^

PSN Showbiz

Aktres na wagas ang pagiging inggitera ibinebenta ang monay para makasabay sa uso

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot naman ang mga kuwentong napakinggan ng aming source tungkol sa mga babaeng personalidad na wala nang gaanong trabaho ngayon. Kung dati’y lantad ang kanilang trabaho, ngayon naman ay palihim, hanggang kaya nilang itago ang trabahong pinasukan nila ay gagawin nila ang lahat-lahat.

Ang iba ay dahil sa mga granatsa nila sa buhay na nakasanayan na nila. Hindi nila matalikuran ang lifestyle nila dati.

Ang iba naman ay dahil sa matinding pangangailangan, meron silang binubuhay na pamilya, sila ang nagpapaaral sa kanilang mga kapatid.

Meron ding mga mapangarap sa mabilisang paraan. Nakikipagsabayan sila sa uso, gusto nila ng mga branded stuff, ayaw nilang mapag-iwanan.

Kung may listahan ang mga otoridad ng pangalan ng mga artistang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay meron ding listahan ng mga babaeng personalidad na nagbebenta ng laman ang mga kilalang Boogie Wonderland (read: bugaw).

Marami sila. Iba-iba ang halagang kakambal ng kanilang pangalan para sa isang panandaliang kaligayahan. Konting kembot at churva lang, datung na agad, paliligo nga lang siguro ang katapat ng lahat pagkatapos.

Nababantayan kaya ng isang aktor ang kanyang misis? Gumagawa ng sideline ang babae, hindi man kalakihan ang kanyang presyo ay malaking tulong pa rin ‘yun para sa kanilang mag-asawa, tamad nga ba ang aktor kaya nakaisip na magpa-booking ang aktres sa mga bugaling?

“’Yung isang actress naman, e, masyadong inggitera! Kapag may nakita siyang branded na kagamitan ng mga kaibigan niya, e, nakikipagsabayan! E, maliit lang naman ang talent fee niya, hindi naman siya kasikatan, hindi naman siya nagbibida sa mga projects niya!

“Ayun, para makabili rin siya ng mga kinainggitan niyang stuff, nagpapa-booking siya! Nakakaloka ang babaeng ‘yun, hindi na lang siya nagtayo ng bakery para du’n siya magbenta ng monay!” napapailing pang kuwento ng impormante.

Ubos!

Jerika Estrada papasang kapatid ni Pia Wurtzbach

Puring-puri ng isang team ng mga namamahala sa pictorial ng mga glossy magazine si Jerika Ejercito, ang panganay na anak ni Pangulong-Mayor Erap kay Laarni Enriquez, napaka-down to earth daw ni Ica.

Nag-pictorial para sa isang magazine si Jerika, isinama niya sa linya ng kanyang trabaho ang anak nila ni Bernard Palanca, sumunod naman sa lugar ang kanyang boyfriend.

Kuwento ni Ogie Narvaez Rodriguez, “Pretty pala si Jerika, malaki ang hawig niya kay Pia Wurtzbach. Down to earth din siya, walang kaarte-arte sa katawan. Ang boyfriend niya ang nagbabantay sa anak niya habang nagpi-pictorial siya.

“Wala siyang kasamang PA, si Jerika lang ang nag-aasikaso sa mga stuff niya. May kasama siyang pulis na babae, pero hanggang sa labas lang ng studio ang security niya.

“Palagi siyang nakangiti, kinakausap niya ang lahat, magkapatid nga sila ni Jake Ejercito na ang bait-bait din sa lahat ng mga nakakatrabaho niya,” kuwento ni Ogie.

Tatak Estrada ang ganu’ng ugali. Magiliw sila sa lahat, walang pinipiling tao, bata pa lang kasi sila ay nakasanayan na nilang makihalubilo sa mga kababayan nating humihingi ng tulong sa kanilang ama.

Kapag may okasyon sa pamilya Estrada ay dumadalo ang magkakapatid na Jerika, Jake at Jacob. Bukas ang pintuan ng pamilya nina Pangulong Erap at Senadora Loi Ejercito para sa mga anak ni Laarni at sa iba pang mga anak ng aktor-pulitiko sa ibang mga babae.

Respeto ang nagtatali-tali sa kanila, nirerespeto nila ang isa’t isa, maganda ang samahan ng mga anak ng dating pangulo kahit pa magkakaiba ang kanilang ina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with