PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hindi na natatakot Alden sanay na sa mga death threat!

MANILA, Philippines – Recently ay nag-post sa social media ang tatay ni Alden Richards tungkol sa isang nagbabanta sa buhay ng Pambansang Bae at maging ng pamilya nito. Nagulantang ang kanyang fans pero nanghingi na raw ng tulong sa NBI ang ama niyang si Richard Faulkerson.

Pero sa sandaling tsikahan kay Alden matapos siyang pumirma uli ng kontrata sa GMA-7 kahapon, parang kampante ang aktor sa kanyang kaligtasan. Hindi siya masyadong nababahala dahil matagal na palang may mga ganitong pagbabanta sa buhay niya bago pa man sumulpot ang pinakahuli nga. “Ang akin lang naman po, if you’re threatening someone there’s a 90% probability na hindi mo siya gagawin because you’re threatening. ‘Yung mga nagti-threat (talagang may balak gumawa ng masama) hindi nagsasabi ‘yan, ginagawa na lang nila.”

Madali na nga raw gumawa ngayon ng statement o pagbabanta lalo na sa social media since may access nga naman ang kahit sino rito. Pero gumagawa naman na sila ng paraan para mapanatili pa rin ang kanyang kaligtasan.

Samantala, may bagong album si Alden at nag-release na sila ng single na Say It Again sa iTunes at Google Playstore. Sa October 10 ang official release ng kanyang third album under GMA Records kasunod ng kanyang hit album na Wish I May. Mas marami raw original at up beat songs ang kasama sa kanyang latest album kaya mas danceable ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: