^

PSN Showbiz

US hit TV series na Scandal at Nikita mapapanood na rin sa TV5

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang babae ang may kakaibang kakayahan at ‘di patatalo sa mga kalalakihan ang nakatakdang dumating. Ang mga nasabing babae ay malakas, confident at ipaglalaban  ang kanilang pinaniniwalaan.

Ngayong Setyembre, mapapanood na sa kauna-unahang pagkakataon sa telebisyon ang dalawang powerful women dahil ipalalabas sa TV5 ang dalawang bagong series mula sa US ang Scandal at Nikita.

Ang Scandal ay isang sikat na series mula kay Shonda Rhimes, ang babae rin sa likod ng global hits tulad ng How To Get Away With Murder at Grey’s Anatomy. Makikita sa Scandal ang signature style ni Rhonda, kung saan magbibida ang malakas na babae sa katauhan ng isang political fixer at master manipulator na si Olivia Pope na ginagampanan ni Kerry Washington.

May sariling crisis ma­nage­ment firm si Olivia na Olivia Pope & Associates. Sila ang pumoprotekta sa public image ng mga mayayaman at makapangyarihan. Dati siyang White House Communications Director, at hindi niya makalimutan ang kanyang mga nakaraan. Dahil sa kanyang trabaho ay hindi na siya makapamuhay ng normal. Makakasama ni Olivia ang mga karakter tulad nina President Fitzgerald Grant, First Lady Mellie Grant, at ang kanyang team. Olivia Pope displays true grit, strength, and confidence.

Airing back-to-back naman ng Scandal ang Nikita, isang US series din tampok ang isang babae out for justice kung saan pababagsakin niya ang isang go­vern­ment agency na ginawa siyang isang trained killer.

Isang troubled teen na ni-rescue mula sa death row ng isang US agency called Division, inakala ni Nikita (Maggie Q) na magkakaroon siya ng bagong buhay pero sa halip ay bi­nu­ra ang kanyang alaala at na-train para maging spy at assassin. Nakawala si Nikita at nagtago ng 3 taon. Sa kanyang pagbabalik ay gusto niyang maghiganti sa gumawa sa kanya nito. Mauunahan ba siya ni Percy, na head ng Division bago siya balikan nito?

Mapapanood ang Scandal at Nikita tuwing Martes, 9 p.m. at 10 p.m. Simula naman October 11, mapapanood na ito ng 7 p.m. (Scandal) at 8 p.m. (Nikita).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with