^

PSN Showbiz

The Chainsmokers napabilib sa Closer ng JaDine

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi makapaniwala sina Nadine Lustre at James Reid na ni-like ng American duo na The Chainsmokers ang kanilang video habang kinakanta ang Closer sa Instagram.

Kinanta ng JaDine ang Closer ng The Chainsmoker sa Cebu para sa kanilang JaDine in Love concert tour kamakailan. Laking gulat daw ni Nadine nang malaman ang tungkol dito. “Nagulat po ako, na-surprise po ako. Una nag-like lang ng video and then chineck ko po talaga kung ‘yun talaga ang account ng Chainsmokers. Naka-verify, so super happy. Ipinakita ko po kay James,” nakangiting kuwento ni Nadine.

“I didn’t think about it. My God, we should say thank you,” dagdag naman ni James.

Nasa kalagitnaan daw ng taping noon sina Nadine at James nang i-like ng sikat na American duo ang kanilang video. Isang malaking karangalan para kay Nadine na napansin ang kanilang video ng American duo. “Super happy. Ako, ‘yun po talaga ang gusto kong gawin kasi doon naman talaga ako nag-start, sa pag-perform. I am very happy na nare-recognize ng international artists ‘yung work namin,” pagtatapat ng dalaga.

Nagbigay din ng mensahe si Nadine para sa The Chainsmokers. “Please make more LSS-worthy songs. Kasi ‘yung ‘Closer’ talagang hindi ko maalis sa utak ko. Talagang every day pinapatugtog ko pa rin siya,” pagtatapos ng aktres.

Kakai nawindang sa pagiging jologs na sosyal ni Charo

Palabas na sa mga sinehan ngayong araw ang pelikulang Ang Babaeng Humayo na pinagbibidahan nina Charo Santos at John Lloyd Cruz.

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala si Kakai Bautista na napabilang din siya sa obrang ito ni Lav Diaz. Isang malaking karangalan daw para sa komedyana na makatrabaho si Charo. “Grabe, napaka-soft spoken niya, parang laging may binabasang sulat,” pabirong bungad ni Kakai.

Napahanga raw siya sa pagiging mapagkumbabang aktres ng dating presidente at CEO ng ABS-CBN. “Si Ma’am Charo po, sobra-sobrang humble. Sobrang jologs na sosyal na hindi mo maintindihan at kahit ano na lang. Hindi siya ‘yung, “O pahinging tissue.’ Mas ako pa nga ang gano’n,” pagbabahagi ng komedyana.

Nasaksihan din ni Kakai ang pagiging magaling na aktres ni Charo dahil nadadala siya ng batikang aktres sa kanilang mga eksena. “Hindi mo napapansin sa sarili mo na umiiyak ka na pala. Kasi sa sobrang lalim, sa sobrang husay ni Madam sa eksena na ‘yun, hindi ko nare-realize, tumutulo na pala ‘yung luha ko sa sobrang galing niya. Sobrang swerte na ang solid lahat. From the staff, from the artists, grabe. Saka si Ma’am Charo, wala talaga akong masabi. Talagang kulang na lang belo. Umiilaw siya kahit ang dilim-dilim sa Mindoro. Grabe si Ma’am Charo, grabe itong pelikulang ito,” pagbabahagi ni Kakai.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with