^

PSN Showbiz

Pia Wurtzbach napagkakamalang trans woman dahil sa bangs!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Pres. Digong ikinukumpara kay Donald Trump; Talent fee ni Alden ang laki nang itinaas sa bagong kontrata!

SEEN: Hindi bagay kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang may bangs dahil tumatapang ang mukha niya at napagkakamalan na transgender woman.

SCENE: Mananatili na exclusive contract star ng GMA-7 si Alden Richards dahil nag-renew siya kahapon ng kontrata. Malaki ang itinaas ng talent fee ni Alden sa bagong kontrata niya sa Kapuso Network.

SEEN: Ang comparison kina President Rodrigo Duterte at US presidentiable Donald Trump dahil sa kanilang makukulay at brutal na pananalita. Talo si Trump sa public opinion dahil mahusay ang kanyang katunggali na si Hillary Clinton sa kanilang presidential debate kahapon.

SCENE: Napanood na kahapon sa Oh, My Mama! ang mga eksena ni Inah de Belen bilang Maricel. Walang araw na hindi umiiyak at hindi inaapi ang karakter ni Inah sa afternoon teleserye ng GMA-7.

SEEN: Hindi ligtas sa Operation Tokhang ng Philippine National Police ang mga artista na sumailalim at nakapasa sa drug test dahil bibisitahin pa rin sila ng mga pulis sa kanilang mga tahanan.

SCENE: Inabot ng malakas na bagyo sa Taipei, Taiwan ang shooting kahapon ng Mano Po 7: Chinoy kaya hindi nakapunta sa location ang mga artista ng pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na isasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

SEEN: Dinamdam ni Coney Reyes at ng mga anak niya ang pagpanaw ng kanilang pinagkakatiwalaan na kasambahay na itinuring nila na tunay na kamag-anak. Ang pumanaw na yaya ang nag-alaga at nagpalaki kay Vico Sotto, ang anak ni Coney kay Vic Sotto.

SCENE: Gustong makita ni PNP Director General Ronald dela Rosa ang dating bold star na si Sabrina M. na nakakulong at non-bailable ang kaso dahil sa paggamit ng droga. Thirty-three years old pa lamang si Dela Rosa nang makilala si Sabrina M. bilang bold star noong dekada ’90.

SEEN: Si Rosanna Roces ang karibal ni Sabrina M. noong kapanahunan nila at sariwa pa sa isip ng publiko ang panglalait ni Rosanna kay Sabrina M. sa showbiz talk show na Showbiz Lingo ng ABS-CBN. #ParehoAngKapalaranNila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with