^

PSN Showbiz

Para ‘di magdusa sa kulungan mga durugistang artista pinasusuko na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

O ayan ha, may pagkakataon pa na ibinibigay si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa mga artista na gumagamit at nagtutulak ng mga ipinagbabawal na gamot.

Kung kusa na susuko ang mga suspect na artista, hindi kaagad sila ikukulong dahil bibigyan pa sila ni Papa Bato ng second chance na makapagbagong-buhay.

Nagdurusa na sa kulungan ang nalaos na bold star na si Sabrina M. na confirmed na gumagamit ng illegal drugs dahil malinaw na malinaw ang kopya ng surveillance video na inilabas ng Quezon City Police. Kung sumuko si Sabrina, hindi sana mangyayari ang nararanasan niya ngayon.

Kung kailan tumanda at nagkaroon ng anak, saka nagbisyo si Sabrina M. na hindi yata matanggap na laos na siya.

Nagtataka talaga ako sa mga drug addict at drug pusher. Alam nila na seryoso at matindi ang kampanya ni President Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs, marami na ang sumusuko, nahuhuli at napapatay pero hindi pa sila maawat sa kanilang masasamang bisyo. Wala silang mga takot ‘ha?

Video scandal ni Sen. De Lima ilalabas daw ng Justice Secretary!

Parang hindi ko naman pinangarap na mapanood ang alleged video scandal ni Senator Leila de Lima na posibleng ilabas ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kapag kailangan ng matibay na ebidensya laban sa driver ng senadora na si Ronnie Dayan.

Nagbanta kasi kahapon si Aguirre na mapipilitan ito na ilabas ang kontrobersyal na video scandal kung kinakailangan.

So, ang ibig sabihin, hindi totoo ang tsismis na burado at wala nang kopya ang alleged video scandal ni De Lima dahil sa sinabi ni Aguirre.

Hindi kakayanin ng powers ko na mapanood ang video scandal dahil baka mawalan ako ng ulirat. Hindi ko nga pinanood ang mga kumalat na video scandal ng mga sikat na mga artista, ang video pa kaya na diumano’y pinagbibidahan ng senadora? Utang na loob, maghunos-dili sana si Aguirre, please?

Pelikula nina Alex at Joseph ginastusan ng Regal

Good luck kay Mother Lily Monteverde dahil ngayon ang opening day sa mga sinehan ng My Rebound Girl na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Joseph Marco.

Hindi nagtipid sa budget si Mother Lily dahil siya pa ang nag-suggest sa direktor na si Emmanuel dela Cruz na dagdagan ang mga eksena kaya nagkaroon ng additional shooting days ang My Rebound Girl.

Tuwang-tuwa si Emmanuel sa naging desisyon ni Mother dahil napaganda pa niya ang pelikula na tribute sa mga babae na palaging nawawalan ng mga boyfriend.

Si Emmanuel ang direktor ng critically-acclaimed movie na Sarong Banggi kaya binigyan siya ng break ng Regal Entertainment, Inc. Nagpapasalamat si Emmanuel sa pagtitiwala sa kanya ni Mother at ng anak nito na si Roselle.

Kung thankful si Emmanuel kina Mother at Roselle, ganito rin ang sinasabi nina Alex at Joseph.

Nagpapasalamat ang dalawa dahil sila ang napili ng Regal Entertainment, Inc. bilang mga bida ng My Rebound Girl.

Hindi inaasahan nina Alex at Joseph na pagkatapos nila na magtambal sa isang teleserye, pagsasamahin sila ng Regal sa pelikula na kinunan pa sa Benguet ang mga eksena.

Hindi agad natuloy ang shooting ng My Rebound Girl sa taniman ng kape sa Benguet dahil sa bagyo at sa mataas na bilang ng kaso ng dengue. Hinintay muna ni Emmanuel na gumanda ang panahon sa Benguet at mabigyan sila ng clearance na safe nang magpunta sa nasabing lugar dahil nalutas na ang problema sa dengue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with