^

PSN Showbiz

Juancho parang kapamilya na nila Bong

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi pala si Gianna Bautista ang girlfriend ni Kapuso Juancho Trivino kundi si Cheska Mendiola, pamangkin ni Sen. Bong Revilla at anak ng sister nitong si Rowena Bautista Mendiola. Magkasama ang dalawa sa 50th birthday celeb ng senador na inorganisa ng kanyang pamilya sa pamumuno ni Bacoor Mayor Lani Mercado.  

Hindi nakita ang pinaghihinalaan na girlftiend ng panganay nina Bong at Lani na si Dionne Monsanto sa selebrasyon. Sinabi ni Bryan Revilla na friends lang sila ng aktres.

Kring-Kring tinututukan ang mga sumukong durugista

Hindi komo na-turn off ako sa pangunahing pag-uugali na nakita ko sa isa sa mga anak ni Kring-Kring Gonzalez-Romualdez ay hindi ko na maa-appreciate ang kabutihang ginagawa ng Mayor ng Tacloban. Walang nag-akala na makakaya niyang ipagpatuloy ang paninilbihan sa lungsod na sinimulan ng kanyang asawang si Alfred Romualdez.

Nagmula si Kring-Kring sa isang kilala at mayamang pamilya na pinikitan na lamang ang paghuhubad at pakikipag-love scene sa mga pelikula noon. Sa karanasan niya bilang asawa ng isang pulitiko na namuno sa Lungsod ng Tacloban ay nagagawa niya ngayong bigyan ng pagpapahalaga at tulong ang Tacloban na niragasa ng mapaminsalang bagyo. Ilang panahon na lamang at makakabawi na sila, makakaya na niyang iuwi ang kanyang mga nasasakupan na naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Nang pasyalan siya ng mga kaibigan sa media nitong nakaraang weekend ay inabot nila siyang aba­la sa rehabilitasyon ng mga sumukong durugista. Bukod sa pagtatayo ng isang transformation center, ‘yung mabilis mawala sa kanilang bisyo ay nabibigyan ng pagkakakitaan. Tuloy pa rin ang rehab sa mga biktima ni Yolanda. Bago makatapos ang 2016 at sa 2017 ay marami na siyang mabibigyan ng bahay.

Marian si Andrea ang dapat bantayan kay Dingdong!

Maganda at light ang pagtatambal nina Dingdong Dantes at Megan Young sa Alyas Robin Hood. Ang ta­la­gang malalagay sa alanganin ay si Andrea Torres na papasok na ang cha­racter sa serye sa linggong ito. Bukod sa pagiging kakaiba sa character ni Megan, kailangang mas sexy din na lumabas ni Andrea at mas agresibo. Mukhang sa kanya may dapat ipagse­los si Marian Rivera at hindi sa ex-Miss World.

Rhian masaya sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Rafael

Kahit daw magulo at laging puro awayan ang eksena ngayon sa Sinungaling Mong Puso, hindi maitatanggi ni Rhian Ramos na proud siyang maituturing ang friendship na nabuo sa pagitan niya at co-actors niyang sina Rafael Rosell, Kiko Estrada, Gee Canlas, Gab de Leon, at JC Tiuseco.

Sa kanyang Instagram post, sinabi pa ni Rhian na isa ito sa kanyang paboritong shows.

“Can’t name a moment that this squad didn’t give their A-game. I almost wish that every show was with them. RomCom, comedy, drama, action. They can do it all, and give everything they got. SMP is currently on my show to beat if we’re talking favourites,” ayon sa caption ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with