^

PSN Showbiz

Pelikula nina Angel at Anne pareho ang istorya, salpukan inaabangan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napansin ng mga nakapanood ng trailer ng Viva Films movie na Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend? at trailer ng Star Cinema movie na The Third Party na may pagkakapareho ang kanilang tema. May gay factor ang dalawang pelikula na magkasunod pa naman ang showing.

Mauuna ang showing ng The Third Party sa October 12 at sa Oct. 19 naman ang showing ng Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend? Halatang hinihintay na ang showing ng dalawang pelikula dahil trailer pa lang, hit na sa netizens.

Ibinalita ni Angel Locsin, isa sa mga bida ng Star Cinema movie na umabot sa 2-M views sa Facebook ang trailer ng mo­vie nila in less than 24 hours of release. Ito na raw ang Pinoy movie na may pinakamaraming views. Kasama niya rito sina Sam Milby at Zanjoe Marudo.

On the other hand, ibinalita naman ni director Jun Lana na umabot sa 3-M views ang teaser ng Viva Films movie in less than one day. Kaya lang, biglang nag-disappear ang teaser nito sa FB.

Mabuti na lang at marami na ang nakapanood sa teaser ng Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend bago nawala at naaliw sila sa mga eksena nina Anne Curtis, Paolo Ballesteros, at Dennis Trillo.

Malalaman din sa box-office result kung alin sa dalawang pelikula ang mas panonoorin at mas tatangkilin ng tao.   

Children’s book ni Anne finalist sa Catholic Mass Media Awards

Masaya rin si Anne Curtis dahil ang children’s book na Anita, The Duckling Diva ay finalist sa 38th Catholic Mass Media Awards. “Wow!!! Thank you so much for making my very first children’s book a finalist. Maraming Maraming salamat po!!!,” pasasalamat ni Anne.

50 celeb na papangalanan nabawasan na!

Nabawasan ang nai-report na 50 celebrities na drug user sa pagkakahuli kay Sabrina M. May surveillance video raw na ebidensya at nakitang gumagamit ng illegal na droga ang dating sexy actress. Hindi namin napanood ang video, pero sabi ng nakapanood, 2015 pa ito.

Nabanggit din sa report na ang 10 celebrities sa 50 celebrities na nasa drug list ay tulak at karamihan sa ibenebenta ay party drugs. Ang maganda sa report, may mga lumutang na nasa listahan at nagpa-drug test sila.

Hindi pinangalanan ang nasa listahan, pero ang payo sa kanila ay sumuko na at magpa-drug test. Higit sa lahat, itigil na raw ang ginagawa nila bago pa sila mahuli.

Ryan minura ang basher ng anak

Kahit sa Instagram lang pinost, halatang galit si Ryan Agoncillo sa bashers ng mga anak na tamang reaction lang dahil pati mga bata ay hindi pinatawad. Hindi namin nabasa ang post ng basher, pero ang sagot ni Ryan na, “yeah i know you I’ve blocked many of your accounts, so you’re reading this with ano­ther one. You know who you are. Bash me all you want, BUT DONT EVER FUCK WITH MY KIDS.”

Natakot yata ang walang magawang basher na parang si Yohan ang binash dahil ‘yun ang naka-post na photo ng comment ni Ryan. Hindi ito sumagot kay Ryan and for sure, may bago na namang account. 

Anyway, sa mga nagtatanong, babalik si Ryan sa Eat...Bulaga very soon. Tinatapos lang nito ang taping ng 2nd season ng Cash Cab Philippines for AXN na siya ang host.

Alden may death threat na rin!

Isa pang basher ang walang magawa na nagbanta kay Alden Richards at sa pamilya nito. Wala pang reaction dito si Alden, ang dad niya ang umapela via Facebook ng “Bash niyo ako kakayanin ko pa po yan...wag lang threat sa buhay namin...nbi na po ang bahala diyan.”

Ayan, mabuti at ipinarating ng dad ni Alden sa NBI ang threat sa kanila at sana mahuli ang taong ito dahil hindi biro ang kanyang ginawa. Lalo na si Alden na madalas wala sa bahay dahil nagtatrabaho.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with