^

PSN Showbiz

John Lloyd punung-puno ang pagkatao sa Humayo...

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bukas ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Ang Babaeng Humayo na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Charo Santos. Kamakailan ay nasungkit ng nasabing pelikula ang Golden Lion award sa ginanap na Venice Film Festival.

Masayang-masaya si John Lloyd dahil naging bahagi siyang muli ng isa na namang obra ni Lav Diaz. Matatandaang nagbida sina John Lloyd at Piolo Pascual sa pelikulang Hele sa Hiwagang Hapis na ginawa rin ni Lav Diaz. “Mayroon tayong ganito, nakapasok sa main competition ng Venice Film Festival. Hindi mo ba gugustuhin na dumaan din dito ‘yung pelikula at mapanood ng karamihan?” bungad ni John Lloyd.

Ang pagbabalik daw ni Charo sa paggawa ng pelikula ang isa sa mga bentahe ng kanilang proyekto. “Magandang mabigyan natin ng options ang mga manonood. Sa pagkakataon na ito, we have a Lav Diaz film starring Charo Santos-Concio sa pagbabalik niya sa film. Ako, that alone parang we should celebrate this film,” paliwanag ni John Lloyd.

Ibang-iba raw ang karakter na ginampanan ng aktor kumpara sa kanyang mga nagawa na noon. “Wala na siyang mahanap na dahilan para ituloy pa ‘yung buhay niya. It’s a bit dark pero punung-puno ‘yung pagkatao niya,” pagbabahagi pa niya.

Kabilang din sa pelikula sina Michael de Mesa, Shamaine Buencamino, Nonie Buencamino, Kakai Bautista, at marami pang iba.

Kathryn nagda-diet para sa Star Magic ball

Excited na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na dumalo sa Star Magic ball na gaganapin sa October 22. Kinakailangan daw mag-diet ni Kathryn para maging maayos ang fit ng gown na isusuot para sa nasabing event. “Kinuha na ‘yung measurement ko. Tapos konting nagbabawas ng mga kinakain and then tumitingin na kung ano ‘yung sapatos na bagay. But then marami pang kailangan na preparations. So hopefully maayos siya,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Kasalukuyang nasa Iceland ang KathNiel para sa photo shoot ng isang fashion magazine kaya hindi pa raw napaghahandaan ni Daniel kung ano ang isusuot. “’Di pa ako nakakapagsukat eh. Wala pa masyadong preparations eh. Siguro pagbalik namin, doon na kami magsusukat and everything,” pahayag ni Daniel.

Para kay Kathryn ay masaya talaga ang dumalo sa Star Magic ball dahil dito sila nakakapag-bond ng buong pamilya ng Star Magic. “Masaya ‘yung mga after party kasi ‘yun na ‘yung time mo to bond with other Star Magic artists like last year. Kasama namin sina Ate Angelica (Panganiban). So masaya kasi walang trabaho and nando’n lang lahat to have fun,” pagbabahagi ng aktres.

Memorable naman para kay Daniel ang pagdalo niya sa party lalo pa’t kasama niya si Kathryn. “Every year ng Star Magic ball masaya. Kasi laging iba ‘yung mga experiences eh. Pero masaya ‘yung last time, sumayaw kami ni Kathryn,” nakangiting pagtatapos ng binata.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with