^

PSN Showbiz

Dennis milyun-milyon ang BMW na bagong minamaneho!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang ganda ng bagong car ni Dennis Trillo, isang white BMW 420d Gran Coupe Sport at masaya para sa kanya ang kanyang fans dahil bunga raw ito ng kanyang sipag at pagod. Ipinakita ni Dennis sa viewers ng Unang Hirit ang bagong kotse at kung ano ang laman nito kasama ang toaster na pang-init sa baon niya

‘Katuwa lang ang fans dahil pilit ina­alam kung magkano ang bili ng aktor sa nasabing luxury car. Ina­alam din ng fans kung bukod sa kanyang pa­milya, sino ang unang isinakay ni Dennis sa kanyang BMW car.

Anyway, sa October 19, na ang showing ng Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend na trailer pa lang, inaabangan na at sinisiguro ni director Jun Lana na hindi magsisisi ang manonood sa Viva Films movie. Bukod kay Dennis, mga bida rin dito sina Anne Curtis, Paolo Ballesteros, at marami pang iba.

Alden magtatagal sa Encantadia

Nabasa namin ang post ni direk Mark Reyes sa Instagram (IG) tungkol sa Encantadia na, “They said to do it again was a mistake. They said we were inferior from the first. They said we will never put up a fight. Well now we are head to head with our competition. And we are just getting stronger. And the best is yet to come. Hasne Evo Live Team #Encantadia2016 Tangnakresna malapit na akong sumayaw.”

Maganda ang ratings ng Encantadia at tuwing natatapos ang episode ay may diskusyon ang viewers. Marami silang tanong kay direk Mark, sa headwriter nitong si Suzette Doctolero at pati na rin sa cast.

Winelcome rin ni direk Mark si Alden Richards na kasama na sa cast ng fantaserye.

Guest si Alden for three weeks at marami na ang nagre-request na pahabain ang kanyang labas sa Encantadia habang wala pa ang teleserye nila ni Maine Mendoza. Inaabangan din ang eksenang magkasama sila ni Miguel Tanfelix bilang sina Lakan (Alden) at Pagaspas (Miguel) respectively.

Nakuwento nito na kahit mabigat at mainit ang kanyang costume, ayaw niyang hubarin kahit breaktime. “Basta Mulawin ako that’s it,” sabi ni Alden.

Kakai hindi maubos ang pasasalamat kina Direk Lav at Charo

Hindi lang sa presscon ng Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left) ipinaabot ni Kakai Bautista ang pasasalamat kina director Lav Diaz sa pagsama sa kanya sa cast ng movie at kay Ms. Charo Santos sa pagiging mabait na co-star. Pati sa IG ay nagpahayag siya ng pasasalamat sa dalawa.

Nag-post si Kakai ng picture nila ni Ms. Charo at nilagyan ng caption na, “I am humbled by your kindness, simplicity and Humility. Hay, Grabe po. I love you Mam Charo!”

“Thank you Dear Lav sa napakabuti mong puso, napakalawak at lalim mong pananaw sa sining ng pelikula. Sana marami pa talaga ang katulad mo ang umusbong pang magbibigay kulay, magpapatatag sa industriya, magdadala ng karangalan sa Pilipinas. Samahan nyo po kami sa pagpapahayag ng napakagandang obrang ito #angbabaenghumayo sa Sept. 28 sa mga sinehan nationwide.”

Ang Babaeng Humayo ay produced ng Cinema One Originals at Sine Oli­via Pilipinas ni direk Lav at distributed ng Star Cinema. Ang Sine Olivia pala ay tribute ni direk Lav sa sister niyang namatay na nasagasaan.

Max at Lovi tahimik ang ‘labanan’

Wala pang nagagalit sa karakter ni Max Collins sa Someone To Watch Over Me, pero alam niyang marami ang magagalit sa kanya at maba-bash siya kapag umabot na sa story ng teleserye na siya lang bilang si Irene, ang ex-GF ni TJ (Tom Rodriguez) ang naaalala nito. Lalo pang magagalit ang viewers kay Max ‘pag nagsama-sama na silang tatlo ni Lovi Poe sa iisang bahay.

Kinunan na ang first confrontation scene nina Max at Lovi at sabi nito, walang sigawan at hindi maingay ang eksena, pero ramdam ang sakit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with