^

PSN Showbiz

Bea may ikinumpisal na sa balikan nila ni Gerald

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula na sa taping si Bea Alonzo para sa teleseryeng pinagbibidahan nila nina Ian Veneracion at Iza Calzado. Ito ang kauna-unahang pagta­tambal nina Bea at Ian kaya masayang-masaya ang aktres. “Ipalalabas siya kundi end of the year, early next year. Nakakaeksena ko mostly si Kuya Ian and Enchong Dee,” bungad ni Bea.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ng aktres kung magugustuhan ng mga manonood ang kanilang bagong tambalan ni Ian. “Siyempre hindi naman natin hawak ‘yan. Hindi natin mape-predict kung magugustuhan ng mga tao pero so far ako, I have been like loo­king forward to taping with kuya Ian. Kasi he’s such a nice guy, fun to work with at ang gwapo-gwapo ni Kuya Ian. Sino’ng hindi magkaka-crush sa kanya?” nakangiting pahayag ni Bea.

Samantala, ngayon ay madalas daw na lumalabas ang dalaga kasama si Gerald Anderson. Matatandaang nagkaroon ng relasyon ang dalawa ilang taon na ang nakalilipas pero ngayon ay muling nagkaka­mabutihan. “We go out naman, we’re friends. Hindi naman kami nagtatago. We go out. Wala namang masama. Parang wala naman kaming nasasaktan,” pagtatapat ng aktres.

Hindi raw itatago ni Bea sa publiko kung sakaling magkabalikan man sila ni Gerald. “Ang pangit mag-share ng personal. At saka pangit kasi babae ako ‘di ba? Kasi sa mga events, ako lagi ‘yung natatanong. Kung meron man, ise-share namin. It’s not something that we would keep a secret,” giit ni Bea.

Jennylyn binawalan ang anak na manood ng kanyang mga show at pelikula

Hindi muna makagagawa ng pelikula si Jennylyn Mercado para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF). Kamakailan ay napa­balitang magtatambal diumano ang aktres at si Coco Martin sa isang proyekto. “Mahabang kuwento. Kasi po nagkaroon ng problema, kasi dapat po sisimulan na namin ‘yung gagawin kong soap sa GMA kaya lang po na-delay siya. So no’ng time na ‘yon, hindi namin tinanggap ‘yung movie kasi sabi ko, magso-soap ako at gusto ko namang mag-focus sa soap. Kasi baka mamaya, haggard-haggard-an na naman ako. Tapos na-delay ‘yung soap. Baka last week pa ng October ang taping namin,” paliwanag ni Jennylyn.

Abala ngayon ang aktres sa promo ng kanyang album na may titulong Ultimate. Gusto rin daw sana ni Jennylyn maging singer din ang anak nila ni Patrick Garcia na si Jazz kung mabibigyan ng pagkakataon. “Oo naman, kasi si Jazz nasa tono. Hindi siya sintunado. Kinabahan nga ako eh, kasi parang lahat na lang namana niya sa tatay niya, hitsura, buti namana naman niya ‘yung pagkanta ko,” natatawang pahayag ng aktres.

Hindi raw pinapayagan ni Jennylyn na mapanood ng kanyang anak ang kanyang mga programa sa telebisyon at mga pelikula. “Hindi ko po siya pinapanood ng TV eh. Ang pinapanood niya ay puro cartoons. Hindi po siya nanonood ng TV, ‘yung mga soap, kahit movie hindi rin po. Mga movies lang na cartoons, oo,” pagtatapos ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with