^

PSN Showbiz

Jessica Soho makakaharap si Paopao ng Encantadia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo (September 25) tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang bagong kinagigiliwang Encantadia karakter ngayon na si Paopao.

Sa pagbubukas nga ng panibagong kabanata ng Encantadia, mapapanood si Paopao - ang may hawak ng ika-limang bril­yante. Ang cute na anim na taong gulang ay si Yuan Francisco sa totoong buhay ang gumaganap sa karakter. Mai-interview ni Jessica Soho ang pinakabagong child wonder at personal ding makikilala ni Yuan ang isa sa  mga idolo niya. 

Samantala, marami ang ‘di pa rin maka get-over sa pinag-usapang Korean film ngayon na Train to Busan at lahat nga ay tila nakikiuso sa #Traintobusanchallenge.

Isa pang viral ngayon ay ang litrato na pinaghanguan ng pwedeng pumasa raw na international symbol ng “friendzone.”

Marami rin ang kinikilig sa isang viral video kung saan makikitang sumasayaw ang dalawang may Down Syndrome. Ang “very special love” nina Lizliz and Kelvin, talaga naman daw nakakaantig.

Sa probinsya naman ng Quezon, may mga doktor espiritwal o manggagamot diumano na kayang magpagaling ng kahit anong sakit at nagmumula raw ang kanilang kakayahan sa ritwal kung saan naglalakad sila sa baga nang walang kahit anong sapin sa paa.

Aalamin din ng KMJS ang mga trabahong nanganganib na raw mawala ngayon tulad ng pagiging shoeshine boy, lechero, at lagarista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with