^

PSN Showbiz

Komedyante unti-unti nang nabubuko ang kaberdehan ng dugo!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Espesyal ang araw ngayon sa mga guro dahil sa inihandang treat sa kanila ng Gabay Guro ng PLDT na gaganapin sa SM MOA Arena. Nga­yon ang pang-siyam na taon kung saan committed ang naturang NGO na pinangunguhan ni Ms. Chaye Cabal.

May masuwerteng guro na naman ang mag-uuwi ng bagong Gratour Van mula sa Foton at lupa’t bahay mula sa Perry’s Group of Companies.

Bukod sa mga ipara-raffle, magpapasaya rin sa mga guro sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Pops Fernandez, James Reid, Nadine Lustre, Jona, Lea Salonga, at Ms. Sharon Cuneta.

PAK: Unti-unti nang na­bubu­king ang pagkabading ng isang ko­medyante. Kasi naman, hindi rin nag-iingat sa kadi-display niya sa mga guwapo niyang boylet.

Minsan ay ipinost ng guwa­pitong bagets sa kanyang Facebook account ang litrato niya ka­sama ang nagpapa-mhin na komed­yante. Si guwapitong bagets ay sumasali sa mga bikini contest, at nakita ng agent niya sa Facebook ang litratong kasama ang komed­yante. Nag-comment ang agent na siya na ba ang bagong dyowa-dyowaan ng komed­yan­te. Itinanggi ito ng bagets, pero sinagot ng agent na nakilala rin niya ang isa pang guwapitong bagets na laging kasama noon ng komedyante. Pero late­ly ay hindi na kaya ki­nulit ng agent ang ba­gets kung siya na ba ang ipinalit. Pero hindi na siya sinagot ng bagets.

Ang ending, na-block na ang agent ni bagets at ang komedyante na friend din pala ang agent sa FB.

BOOM: Excited si Heart Evangelista-Escudero sa biyahe niya pa-Paris dahil makikipag-meeting ito sa isang company na affiliated sa Hermes.

Nakarating sa Europe ang pagpipinta ni Heart sa mga mamahaling bag. Marami ang natuwa at lalong dumami ang nagpapagawa kaya isa na nga ito sa pinagkakaabalahan ng Kapuso actress.

Kaya magkakaroon nga raw siya ng mee­ting sa Paris sa posibleng collaboration sa kumpanyang affiliated sa Hermes.

Kung magkakaayos daw, babalik siya roon para ituloy ang collaboration.

Tamang-tama dahil next year pa naman daw siya magkakaroon ng programa sa GMA-7 kaya ang pagpipinta muna ang pagkakaabalahan niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with