^

PSN Showbiz

Sen. Chiz may kinalaman sa paglipat ni Lovi ng bahay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Iiwan ni Lovi Poe ang bahay niya sa Taguig dahil sa trapik at lilipat na siya sa Commonwealth. Nauubos kasi ang oras niya sa pagko-commute lalo’t madalas, sa QC at Bulacan ang taping niya ng Someone To Watch Over Me.

Hindi ibebenta ni Lovi ang bahay niya sa Taguig at pauupahan na muna, excited na siyang lumipat sa bago niyang bahay bago mag-Pasko. “I hate being late, kaya naisip kong lumipat sa place near my work. Inaayos na ang bahay ko and I have to declutter and I’m excited sa new place ko. I like entering a village na pare-pareho ang style ng bahay,” wika ni Lovi.

Nakuwento rin nitong si Sen. Chiz Escudero na husband ng bestfriend niyang si Heart Evangelista ang nagpayo sa kanya na i-spread niya ang kanyang investment and not to put it in one business na kanyang sinusunod.

Samantala, pinag-react si Lovi sa pagkaka-link ng ex niyang si Rocco Nacino kay Sanya Lopez na kasama nito sa Encantadia. “Oh, talaga nali-link sila? Sanya is a nice girl and she said hi when we met. Kung mahi-hurt ako kung may bagong GF na si Rocco? Okay lang, it’s normal at talagang mangyayari ‘yan. I want him to be happy and I’m hoping friends pa rin kami.”

Kaya ‘yun nasabi ni Lovi dahil hindi pa uli sila nagkikita ni Rocco since wala silang chance, pero maayos daw ang break-up nila at may closure rin.

Albie nagpaplanong idemandasina Andi at Jake?!

Sinagot ni Albie Casiño ang comment sa kanyang Instagram (IG) na, “D k nmn sikat noon p man the way u treat Andie khit d m anak ung anak nia. Wg msyadong mayabang.”

Sagot ni Albie, “I’m just thanking the people who supported me, how is that being mayabang?” Pero hindi na sumagot ang basher ni Albie.

Nag-post kasi si Albie ng “Thank you” para sa kanyang supporters na hindi bumitaw at naniwala sa kanya nang itangging siya ang ama ni Ellie. Kasama na rin sa kanyang pinasalamatan ang mga nag-sorry sa pagdya-judge sa kanya.

Sundin kaya ni Albie ang payo na idemanda sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito for ruining his life and his career daw?

Miguel ayaw makitang sexy si Bianca

Walang nagawa sina Bianca Umali at Jak Roberto nang angkinin ni Miguel Tanfelix na birthday gift sa kanya ng GMA-7 ang Usapang Real Love (URL) dahil ang presscon ng show ay itinaon sa birthday niya noong September 21. Tapos ang pilot ay ngayong Linggo, 4:45 p.m., four days after his birthday.

Of course, nagbibiro lang si Miguel dahil mga bida rin sa Dream Date episode sina Bianca at Jak.

Hindi rin pala alam ni Miguel kung bakit walang nali-link sa kanyang ibang aktres. Siguro raw dahil wala siyang ibang nakakapareha kundi si Bianca lang. Minsan siyang na-link kay Barbie Forteza, pero mabilis nawala.

So, sila na ba ni Bianca? “Hindi ko masasabing kami, pero more than friends ang relationship namin. May care kami sa isa’t isa at may care ako sa mga isinusuot niya lalo na ‘pag sexy. Yes! Manghihinayang ako kung mapunta sa iba si Bianca,” pag-amin ni Miguel.

Samantala, kinumpirma ni Miguel na babalik pa siya sa Encantadia at magsasama sina Pagaspas (Miguel) at Lakan (Alden Richards) para tulungan ang mga Sang’gre.

Jake natorete kay Bea

Nanood si Bea Binene ng Oh, Boy! concert bilang suporta sa ka-love team niyang si Derrick Monasterio at hindi sa ex-BF niyang si Jake Vargas. Napansin lang ng audience na parang na-conscious si Jake nang malamang nanood si Bea.

Ilang beses nakitang tumingin kay Bea si Jake na tiyak, nakita rin ng dalaga. Lalo pa sigurong natorete si Jake nang bigyan ng roses ni Derrick si Bea, samantalang siya, hindi man lang lumapit sa ex-GF noong time na nasa audience siya.

Nanood naman ng concert si Kris Bernal bilang suporta kay Aljur Abrenica at si Inah de Belen bilang suporta kay Jake na kapareha niya sa Oh, My Mama!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with