^

PSN Showbiz

Rita nabigyan ng handa ang kapatid

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagtagumpay ang teen housemates ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 sa kanilang second lucky task kung kaya’t nabigyan ng oportunidad si Rita na makapiling ang kanyang pamilya.

Nagtulungan ang lalaking housemates na buuin at gayahin ang bahay ni Rita dahil alam nilang miss na miss na ni Rita ang kanyang pamilya.

Sa pangunguna ni Yong, ginabayan ng tatay ni Rita ang housemates para makumpleto ang pangalawang lucky task.

Sa mga kwento ni Tatay Danny kung paano niya itinaguyod sina Rita, mas naunawaan din ng boys ang tunay na kahulugan ng pamilya.

Bukod sa pagkuha ng weekly budget, mas determinado ang boys na tapusin ang task ng matagum­pay para lang mapasaya ang bunso sa kanilang grupo.

Sa kahilingan ni Rita na magkaroon ng handang spaghetti, hotdog, at sopas sa kaarawan ng kapatid, binigyan din ng siya ng special task ni Kuya. Kahit na mahirap at pagod na si Rita, pinagtagumpayan ng pinakabatang teen housemate ang hamon ni Kuya ng may buong tapang at determinasyon sa tulong din ng suporta ng ibang babaeng housemates.

Bago ang mga task noong huling linggo, ipinakita ng housemates ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga pamilya ng kanilang ibahagi ang kanilang mga kwento sa isa’t isa.

Sina Yong at Rita, na hindi gaanong nakagiginhawa sa buhay, ay hindi napigilang maiyak ng kanilang ibahagi ang kanilang pangarap na matulungan at maiahon ang kanilang pamilya sa hirap.  Si Hea­ven naman ay naiyak din noong balikan ang sakit na pinagdadaanan sa pagtuwang sa kanyang ina sa kanyang laban sa cancer.

Huwag palalampasin ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Born For You sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Mapapanood din ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7: Mga Kwento ng Teen Housemates, weekday afternoons ng 5:00pm, habang live online naman ang Pinoy Big Brother Season 7 Online Show, Lunes hanggang Biyernes, 7PM sa www.pinoybigbrother.com.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with