^

PSN Showbiz

Tukaan ng KathNiel, five years in the making

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ratsada ngayon ang loveteams ng Kapamilya. Katatapos lamang ng tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa kanilang matagumpay na journey sa Dolce Amore, pero heto at abala naman sina James Reid at Nadine Lustre sa Till I Met You na tatlong gabi nang umeere. Sa ikalawang linggo naman ng September ay aarangkada ang Barcelona: A Love Untold ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Mismong ang magaling na si Olive Lamasan ang direktor ng movie na kinunan sa Barcelona, Spain.

Bukod sa pagdedeklara ng KathNiel na exclusive ang pagpapareha nila sa screen at maging sa tunay na buhay, mature na ang mga role nila sa pina­kabago nilang movie na nagtatampok bilang highlight ng isang kissing scene na five years in the making. Excited dito ang loveteam, lalo na ang fans nila dahil first time ng dalawa na gumawa ng ganitong eksena na hindi nila pinayagan sa kanilang past projects. Binasag nila ang kanilang kasunduan na maituturing na isang big event especially for their fans.

But more than their maturity bilang mga aktor, naka-graduate na ang dalawa sa paggawa ng mga teenyboppers. Ibinase ang kanilang roles sa Barcelona sa kanilang edad. Tinimpla lahat ni Lamasan ang kanilang mga eksena.

Joshua hindi inasa ang career kay Loisa

Masuwerte si Joshua Garcia, dating housemate sa Pinoy Big Brother dahil hindi na niya kailangang iasa ang kanyang tagumpay sa isang loveteam. Pinakawalan na niya si Loisa Andalio at ilalagay sa backseat ang kanyang lovelife in favor of his career.

Bukod sa Barcelona: A Love Untold, join din siya sa cast ng The Greatest Love bilang apo ng isang lola na may Alzheimer’s disease.

Hindi naman ganun kahirap ang role niya sa Barcelona movie at hindi naman siya na-trauma dahil naka-ilang take si Joshua maging sa pinaka-simpleng eksena since lahat sila sa set ay nakaranas ng ganitong pagtrato mula sa kanilang direktor.

Sandara nagpakita ng kalupitan kina Vice, Yeng at Aga

Hindi naman agad sumikat si Sandara Park nang bumalik ito ng Korea pagkaalis ng Pilipinas. Dumaan siya sa dalawang taong training para ma­ging isang total performer bago siya tuluyang nakasama at naging bahagi ng Korean girl group na 2NE1.

Enjoy si Sandara sa naging popularidad ng grupo niya. Tinitilian man sila at dinudumog, nagagawa nilang maglakad ng kaswal sa Korea. Iba ang pagtanggap dito sa kanya ng mga tagahanga. Pero okay lang ito sa kanya.

Masaya ang Koreana na kinuha siya bilang judge ng Pinoy Boyband Superstar dahil galing siya sa isang Korean girl group. Confident siya na alam niya ang gagawin niyang trabaho.

Hindi lang guwapo at magaling na musikero ang hinahanap nila, kailangang may appreal din sila. Hindi raw siya magiging mabait na judge tulad ng naranasan niya sa mga naging hurado sa sinalihan niyang Star Circle Quest. Nagugulat nga raw ang mga kasamahan nilang judges na sina Vice Ganda, Yeng Constantino at Aga Muhlach sa namamalas nilang “kalupitan” niya. Masaya siya na mabilis silang nagkasundo ng mga kasamahan niyang hurado. Magsisimula ang PBS sa susunod na buwan.

Rhian at Rafael nagkakaintindihan na

First time na nakatrabaho ni Rhian Ramos si Rafael Rosell sa Sinungaling Mong Puso. Pero hindi naman daw ito naging hadlang para makabuo ng mas malalim na pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa. Matapos kasi ang ilang workshops, hindi na raw maikakaila na nagkaroon agad sila ng tiwala sa isa’t isa at instant friendship. “First exercise pa lang namin together, the chemistry was immediate. We weren’t allowed to speak throughout the whole exer­cise but it was instant talaga na we trusted each other. The chemistry was there. It was pretty strong,” bahagi ng magandang aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with