^

PSN Showbiz

Pagma-manage kay Hidilyn Diaz inaangkin ng isang talent manager?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tuwang-tuwa ang dalawang Kapamilya stars na sina Yen Santos at Devon Seron dahil binigyan sila ng chance ng Regal Films na maging Regal babies.

Sabi ni Roselle Monteverde, sina Yen at Devon na raw ang nasa hanay ng mga Regal Millennial Babies.

Malaki ang pasasalamat ni Yen sa Regal dahil binigyan siya ng pagkakataong makagawa ng pelikula kasama at makatambal si Piolo Pascual. Si Yen ang ka-partner ni Piolo sa pelikulang Once in a Lifetime na kinunan pa sa New Zealand.

Parehong fan ni Maricel Soriano sina Yen at Devon at kung sakaling mag-remake ng pelikula ang Regal, type raw sana nilang gawin ang pelikula ni Maricel na Inday Bote.

PAK: Nagkaroon ng pagtitipon ang grupo ng mga talent managers na PAMI sa top executives ng ABS-CBN. Doon nila ipinakilala ang mga talent na hawak nila. Nagulat ang isang talent manager sa napakakaraming hawak ng isang ka-miyembro nila. Hindi lang artista ang hawak niya kundi mga pulitiko, athletes at ilan pang non-showbiz celebrities.

Pati ang isang female celebrity na sikat na sikat ngayon ay hawak daw pala nitong manager. Pero sa pagkakaalam namin, hindi siya ang manager. Hawak itong female celebrity ng isang manager na hindi miyembro ng PAMI.

Tinanong namin ang manager na hindi taga-PAMI at kinumpirma niyang siya ang nagma-manage kay female celebrity dahil may kontrata silang pinirmahan. Tinanong namin kung paano napunta sa listahan nitong manager na PAMI member ang female celebrity na hawak niya. Hindi rin daw niya kayang sagutin. Pero ayaw na raw niyang alamin kung bakit. Ha­yaan na lang daw namin. “Hayaan mo na kapatid,” malumanay na sagot sa amin ng talent manager. Ang mahalaga, siya naman ang nag-represent sa female celebrity. (Hula lang… Ang pangalan ba ng talent manager na member ng PAMI ay Arnold Vegafria? At si Noel Ferrer ang totoong manager ni Hidilyn Diaz?)

BOOM: Ayaw pang kumpirmahin sa amin ng kampo ni Timothy Tan na estranged husband ni Sunshine Dizon ang nakarating na balita sa aming inurong na raw ni Timothy ang kasong Habeas Corpus na isinampa niya para sa visitation rights ng mga bata.

Tila nagkaayos na sila dahil sinasabi naman ni Sunshine na pinapahiram niya ang dalawang anak niya kay Timothy. Mukhang magkakaayos na ang dalawa pero base sa mga pagtatanong namin, malabong magkabalikan.

Ayaw na lang muna magsalita ni Timothy sa ngayon. May mga development nga raw sa kanilang mga kaso pero mabuting hintayin na lang daw ang pagbibigay nila ng statement.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with