Baron gustong gamitin si Baste para maka-libre sa publicity! Kathryn namayat sa Barcelona
SEEN: Nami-miss ni Baron Geisler ang mga libreng publicity kaya hinahamon niya si President Rodrigo Duterte na ipa-drug test nito ang anak na si Baste. #KulangSaPansin.
SCENE: Imbes na gumawa ng gimik, dapat pagtuunan ni Baron Geisler ang kanyang mga kilay na dahan-dahan na nabubura. Kandidato si Baron sa eyebrow tattoo for men.
SEEN: Nagpapa-cute at pa-effect lang ni Daniel Padilla ang press release na nahirapan siya sa kanyang mga English dialogue sa Barcelona: A Love Untold dahil mahusay at malinaw ang pagkakabitaw niya ng mga linya.
SCENE: Naaalarma ang KathNiel fans sa pagkapayat, pagod na pagod at mature na hitsura ni Kathryn Bernardo sa presscon ng Barcelona: A Love Untold.
SEEN: Ngayon ang unang gabi ng pagtatanghal sa Music Museum ng Dirty Old Musical, ang musical play na tinatampukan nina Robert Seña, Michael Williams, Bimbo Cerrudo, John Arcilla at Nonie Buencamino.
SEEN: May “tulog” si Cloie Skarne kay Imelda Schweighart, ang representative ng Pilipinas sa Miss Earth 2016, dahil pinaghahandaan na mabuti ng TV host/actress ang pagsabak sa Philippine made beauty pagent.
- Latest