^

PSN Showbiz

Nanay ng isang aktres na isinama sa commercial, hindi umubra ang kayabangan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tulad ng showbiz ay maintriga rin ang mundo ng advertising. Palibhasa’y mga kilalang artista ang kadalasang kinukuha ng mga ahensiya para mag-endorso ng kanilang mga produkto ay pagkarami-raming kuwento sa kanilang linya na paminsan-minsan lang lumalabas.

Mga kaartehan ng mga artista, mga reklamadorang stage mother, ang mga inggitan sa pictorial, mga personalidad na mahirap katrabaho, ang dami-dami!

Ang isang kuwento ay tungkol sa tatlong popular na aktres na pinagsama-sama para sa pagbebenta ng isang produktong ginagamit sa paliligo. Mula sa dalawang malaking istasyon ang tatlong babae.

Kuwento ng aming source, “Original endorser na ng product ‘yung isang aktres, pero may ginawa siyang endorsement na may kasamang dalawa pa. natural, siya dapat ang nasa gitna, ‘di ba?

“Aba, umarya ang mommy ng isang female personality, ‘yung ipinangdagdag lang, ang anak niya raw dapat ang nasa gitna ng TVC dahil kumikita ang mga pelikula ng anak niya at maraming TV shows!

“Teka lang, sabi ng isang staff ng agency, hindi paramihan ng shows ang gauge, dati na nilang endorser si Actress A, idinagdag lang ang dalawa, kaya kailangang ang original endorser ang nasa gitna!

“Soplak ang mommy ni Actress B, wala siyang nagawa, nasa kanan lang ni Actress A ang anak niyang ipinagmamalaki na sikat daw at maraming shows!

“Cool lang naman si Actress C, walang karekla-reklamo, kahit yata sa bubong siya ilagay sa TVC, e, wala siyang keber. Ang mommy lang talaga ng isang singer-actress ang maraming kiyaw-kiyaw, kaya nu’ng sumunod na omnibus TVC ng product, e, hindi na uli siya kinuha.

“Naman! Bakit, kung box-office ang magiging basehan, e, matagal nang kumikita ang mga pelikula ni Actress A, ‘no! Magmalaki ba ang stage mother na ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Good luck daw GMA mga dating katrabaho pumiyok, Kris kakaiba raw ang ugali

Malakas ang ikot ng balita na ang iniwanang time slot ng morning show ni Marian Rivera ang kukunin ng APT Entertainment para ibigay sa unang proyekto ni Kris Aquino sa GMA-7.

Inaayos na raw ang programa ngayon, pinagmimitingan na kung paano ang magiging takbo ng unang show ni Kris para sa GMA-7 at sa APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera, magiging bonggang-bongga raw ang show.

Panibagong pakikisama ito para sa TV host, mga bagong mukha ang makakatrabaho niya, hindi tulad sa ABS-CBN na kahit papikit ay kayang-kaya niyang iraos ang kanyang mga shows.

Makahulugan ang binitiwang komento ng isang taga-Dos na maraming taon nang nakakasama si Kris, “Good luck na lang sa kanila!” Maigsi lang ‘yun, pero punumpuno ng kahulugan, mahirapan kaya ang mga taga-APT at GMA na makatrabaho si Tetay?

Dagdag na komento naman ng isa pang kabisado na ang working attitude ni Kris, “Professional siya, yes, pero may mga kakambal na mood swings ‘yun! Kapag wala sa mood ang lola mo, kailangang maghintay ang lahat kung kailan niya gustong mag-roll!

“Magaling naman siya, in fairness, pero bakit kasi kailangan pang i-set ang mood niya? Hindi ba puwedeng para matapos agad ang trabaho, e, huwag nang mag-inarte pa ang lola mo?

“Hindi lang naman siya ang may mahalagang oras, ang mga katrabaho niya, e, ganu’n din, kaya bakit kailangang pahirapan pa ang trabaho kung puwede namang maging maayos ang takbo?” sabi nito.

Naku, basta si Kris Aquino na ang paksa, ang dami-dami-dami-dami talagang kuwento! Good luck na lang sa pagkabilang-bakod ng dating nagrereyna sa Dos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with