^

PSN Showbiz

ABS-CBN Pres. Carlo Katigbak pumaparaan para mas magamay ang showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maraming salamat sa dinner noong Martes na imbitasyon ni ABS-CBN President Carlo Katigbak sa organisasyon ng mga talent manager, ang Professional Artists Managers, Inc. (PAMI).

Siyempre, dumalo ako sa imbitasyon ni Papa Carlo para magkakilala na kami nang personal. Ginanap ang dinner sa ELJ Building na dinaluhan ng mga Business Unit Head ng ABS-CBN at ng mga Kapamilya Network executive na sina Mama Cory Vidanes at Malou Santos.

Nag-imbita ng dinner si Papa Carlo para makilala nito ang lahat ng members ng PAMI. At least, kilala na raw ni Papa Carlo ang mga talent manager kapag makakasalubong niya.

Type rin ni Papa Carlo na i-treat ng dinner ang mga alaga ng mga talent manager na magdiriwang ng birthday para makilala rin niya ang mga artista. Touching at nice gesture ‘di ba?

Hindi pa masyadong gamay ni Papa Carlo ang kalakaran sa showbiz pero dahil sa pag-reach out na ginagawa niya, tiyak na magiging isa siya sa well-loved personality sa television industry.

Yen at Devon jackpot sa Regal

Sina Yen Santos at Devon Seron ang mga bagong contract star ng Regal Entertainment, Inc.

Hindi basta Regal Babies ang tawag sa dalawa dahil sila ang Millenial Regal Babies ng movie company ni Mother Lily Monteverde at ng kanyang anak na si Roselle Monteverde.

Kapipirma pa lang ng kontrata nina Yen at Devon pero may mga pelikula na agad sila. Si Yen ang lead actress ng Once in A Lifetime at si Devon ang bida sa horror movie na Pwera Usog.

May reason talaga para maging maligaya sina Yen at Devon dahil sa big break na ibinigay sa kanila nina Mother at Roselle.

Marami ang mga baguhang artista ang magaganda pero sina Devon at Yen ang napili ng Regal dahil sa kanilang mga acting talent.

Sexy star na walang paki sa career biglang naglaho ang career

Missing in action na ang isang sexy star na sandali lamang umingay ang pangalan.

Ang akala ng lahat, magiging big star ang sexy star dahil kaliwa’t kanan ang kanyang mga project, sa telebisyon at pelikula.

Ang latest, parang binura sa showbiz ang sexy star dahil bukod sa pagkakaroon ng attitude problem, puro katsipan at kagagahan ang mga isyu tungkol sa kanya.

Hindi ang tipo ng sexy star ang magtatagal sa showbiz dahil hindi siya nagpakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa mga bonggang break na inihain sa kanya.

Bakit siya susuportahan ng fans kung hindi naman niya binibigyan ng importansya ang blessings na kanyang natanggap?

Sen. Leila de Lima natigalgal sa bagong pasabog ni Pres. Duterte

Shocked ang viewers ng primetime news programs noong Martes dahil ibang-iba ang reaksyon ni Senator Leila de Lima nang ipakita sa kanya ang litrato na kasama niya ang drug lord na si Kerwin Espinosa.

Kalmado ang boses ni Mama Leila na parang takang-taka dahil hindi niya matandaan na may picture together sila ng wanted na drug lord.

Hindi siya ang feisty senator na matapang na sinasagot ang lahat ng mga pasabog laban sa kanya ni President Rodrigo Duterte.

Hindi natin masisisi si Mama Leila sa naging reaksyon nito dahil sa rami ng mga request ng photo op, imposible na matandaan pa niya ang mga nagpakuha ng litrato na kasama siya.

Tiyak na alam ni Espinosa kung kailan sila nagkita ni Mama Leila pero nagtatago nga siya kaya impossible dream na masagot ang tanong ng senadora na inosenteng-inosente ang reaksyon habang tinitingnan ang litrato nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with