^

PSN Showbiz

Sandara walang matisod na Koreanong dyowa!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakatutuwa na malaman na iistar na na­man sa bansa ng matagal-tagal muli ang Koreanang si Sandara Park. Ma­ta­­tan­daan na dito unang sumikat ang po­pular na Koreana na nanalo sa isang reality contest sa ABS-CBN.

Hindi lamang siya minahal ng mara­ming Pinoy na tagasubaybay ng showbiz, nagkaro’n pa siya ng maraming kaibigang artista na kahit nung umalis siya’t bumalik ng Korea ay hindi niya pinatid ang pagkakaibigan nila.

Maski nung sumikat siya bilang miyembro ng sikat na Korean pop girls na 2NE1 ay hindi lumamlam ang friendship nila ng mga Filipino friends niya. Katunayan ay madalas siyang dumadalaw ng bansa para lamang makita sila.

Matagal mamamalagi ng bansa si Sandara da­hil tinanggap niya ang alok ng Kapamilya Network na maging isa sa apat na hurado ng Pinoy Boyband Superstar, isang pakontes na maghahanap ng mga kabataang Pinoy na bubuo ng isang boy band na gamay na gamay na nito dahil nga sa pagi­ging myem­bro niya ng 2NE1. Matapos man ang PBS, magpapabalik-balik na lamang dito ang hanggang ngayon ay minamahal pa rin ng mga Pinoy na taga-Korea. Hindi naman siguro magsisimula at ma­­tatapos ang comeback niya sa Pinoy Boy Band Superstar lalo’t mas napasikat pa niya ang kanyang sarili at napanatili ang matatas na pagsasalita niya ng Tagalog.

Single pa rin naman hanggang ngayon si San­dara. Sino ang makapagsasabi, baka dito siya tuluyang makatagpo ng kanyang permanent partner at tuluyan nang maging isang lehitimong Pinoy.

Agawan nina James at JC kay Nadine hinihintay

May magandang promise ang Till I Met You na nagsimula ng pagpapalabas nung Lunes ng gabi sa ABS-CBN kapalit ng Dolce Amore. Mabilis ang pacing nito, isang gabi lamang ay lumaki na agad sina Alex (JC Santos) at Iris (Nadine Lustre). Na-establish na agad ang relasyon nila. Si Baste (James Reid) na lamang ang hinihintay na makita ng manonood para malaman kung anong klaseng lalaki ito. Sana maganda ‘ung magiging agawan nina Baste at Alex ng puso ni Iris.

Hindi lamang ang love triangle nina Alex, Iris at Baste  ang magsisilbing problema ng serye kundi ang  gagawing pagsuway ni Alex na maging sundalo siya na siyang kagustuhan ng kanyang ama. Sa halip ay mas pinili niyang ma­ging chef at dun maglagi sa Greece kasama si Iris.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with