^

PSN Showbiz

Kathryn at Daniel walang special treatment sa Barcelona, Gary V biglang tumanda ang hitsura

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Alas-diyes nang umaga ang imbitasyon kahapon sa grand presscon ng Barcelona: A Love Untold pero 12:30pm nang magsimula ang press conference ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

SCENE: Si Olive Lamasan ang direktor ng Barcelona: A Love Untold. Hindi nakarating si Olive sa presscon ng pelikula niya sa Star Cinema dahil may-sakit siya.

SEEN: Walang special treatment kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa shooting ng Barcelona sa Barcelona, Spain dahil tumulong sila sa pagbibitbit ng mga filming equipment.

SCENE: Mahusay na pulis ang role ni Coco Martin sa Ang Probinsyano ngunit hindi pa niya matukoy na kasamahan sa serbisyo ang sangkot sa mga krimen na kanyang nilulutas.

SEEN: Mikee Quintos ang pangalan ng baguhang artista na gumaganap na Lira sa Encantadia. Ginagampanan ni Mikee ang dating role ni Jennylyn Mercado sa orihinal na Encantadia. Mas magaling umarte si Jennylyn kesa kay Mikee noong baguhan pa siya.

SCENE: May dapat ipagpasalamat ang mga “celebrity contestant” ng Superstar Duets dahil malaki ang maitutulong ng bagong show ng GMA 7 para makilala sila. Si Jennylyn Mercado ang host ng Superstar Duets na magsisimula sa Sabado, September 3.

SEEN: Nananalig ang fans ng Celebrity Bluff na matutupad ang binitiwang-salita na ibabalik sa telebisyon ang informative at educational game show ni Eugene Domingo sa Kapuso Network.

SCENE: Ang contract signing kahapon nina Yen Santos at Devon Seron sa Regal Entertainment Inc. Sina Yen at Devon ang mga artista na hindi na bago pero hindi pa naman mga luma na ibi-build up ng Regal.

SEEN: Si Gary Valenciano ang kumanta ng I’ll Never Love This Way Again, ang theme song ng Barcelona: A Love Untold. Halata sa music video ni Gary ang biglang pagtanda ng kanyang mukha.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with