^

PSN Showbiz

Ryan Cayabyab pinatay sa internet!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Biktima ng imbentong balita ang award-winning musician na si Ryan Cayabyab.

Isang tao na may maitim na budhi ang nagkalat sa social media ng tsismis na natsugi noong Lunes ang Mr. C. ng local music industry.

Super-kuryente ang tsismis dahil alive na alive and kicking si Mr.C.

Hindi si Mr. C ang una at huling personalidad sa entertainment industry na pinatay sa social media ng mga tao na may sayad sa utak kaya bago paniwalaan ang mga ganoong klase ng tsismis, magtanong muna sa mga reliable source. Sa panahon ng internet at social media, maraming diskarte para makumpirma kung true or false ang mga tsismis na kaduda-duda.

May show pa sa darating na Sabado sina Mr. C. at Lea Salonga kaya hindi nito naawat ang sarili na magkomento ng “Rumors of a beloved and res­pec­­ted friend’s passing were grossly exagge­ra­ted. Plus we have a gig on Saturday so he’d better not be dead.”

Allan K pahihirapan ang mga contestant ni Jennylyn

Sina Allan K., Christian Bautista at Aicelle Santos ang judges ng Superstar Duets, ang newest celebrity singing competition ng GMA 7 na mapapanood tuwing Sabado, simula sa September 3.

Sa tatlong hurado, afraid kay Allan K. ang mga contestant dahil mahigpit siya. Hindi puwede kay Allan ang mga katsipan na performance, kahit tanungin ninyo ang mga stand up comedian ng mga comedy bar na pag-aari niya.

Walo ang mga contestant sa show ni Jennylyn Mercado, sina Pekto, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Rita Da­niela, Denise Barbacena, Nar Cabico, Divine Grace at Osang.

The who si Osang? Stand up comedian din siya na forte ang mga rock & roll songs. Mahusay na singer si Osang at higit sa lahat, may career kesa sa isang has-been na kapangalan niya.

Alfred may panukala pag weekends at holiday

Matutuwa ang mga estudyante at lalo nilang mamahalin si Alfred Vargas dahil sa panukala nito na house bill sa kongreso, ang House Bill 72 na magbibigay sa qualified students ng fixed fare discounts sa araw ng Sabado, Linggo, Christmas vacations at ibang holidays tuwing school year.

Sakop ng panukala ng congressman ng District V ng Quezon City ang pamasahe sa mga sasakyan na panglupa, dagat at himpapawid. Impressive ‘di ba?

Hoping si Alfred na makakatulong ang House Bill 72 sa economic concerns at sa nakababahala na pagdami ng mga school drop-outs.

Twenty percent discount sa regular na pamasahe ang magiging pakinabang ng mga estudyante kapag naaprubahan ang House Bill 72.

Suspension ng lisensya at multa na hanggang Php10,000 ang ipa­pataw na parusa sa mga hindi susunod sa House Bill 72.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with