^

PSN Showbiz

Alyssa Valdez at Jeron Teng kasama ang iba pang atleta bumida sa bagong station ID

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdiriwang ng mga Pilipino ng National Heroes Day, nagbigay pugay naman sa mga atletang Pinoy ang Sports+Action (S+A) sports channel sa bansa kahapon.

Sa pamamagitan ng bagong Station ID tampok ang mga kilalang manlalaro tulad nina Alyssa Valdez, Jeron Teng, Jio Jalalon, Nonito Donaire, Jr., at Brandon Vera, ipinamalas ng S+A ang galing, tapang, sipag, resilience at pagmamahal sa bayan ng mga atletang Pinoy.

Parte ito ng relaunch ng sports channel ng ABS-CBN, na sumusuporta sa pagpapalakas ng sports sa bansa at nagbibigay inspirasyon sa bawat Pilipino sa kani-kanilang laban sa buhay sa pamamagitan ng mga proyekto at palabas nito.

Ang rapper na si Quest ang kumanta ng bagong tema ng S+A na pinamagatang Sumasaludo sa Pusong Palaban ng Lahing Pilipino, habang ang ABS-CBN Creative Communications Management Division naman ang nagbuo ng SID.

Ayon kay ABS-CBN Integrated Sports head Dino Laurena, ipinapakita sa SID kung paano ang atleta at ordinaryong Pilipino ay gagawin ang lahat para sa pamilya. Kaya naman bukod sa mga sikat na atleta, ibinida rin sa SID ang iba pang Pinoy na nagpapa­kita ng palabang puso tulad ng kambal na triathlete na may kapansanan sa paningin, isang senior citizen na ultramarathoner, at isang basketball team na nagpapakitang gilas mula sa kanilang wheelchairs.

Samantala, tuloy ang maaaksyong palaro sa S+A. Sa September 3 na ang pagbubukas ng UAAP Season 79, sa September 11 at 12 naman ang tennis grand slam event na US Open. Pinoy Pride 38 naman sa September 25, habang tuloy ang basketball at volleyball sa NCAA Season 92 at Shakey’s V-League Collegiate Conference.

Maaari ring mapanood sa high-definition ang mga palabas sa S+A HD sa SkyCable. Ang S+A at S+A HD ay parehong napapailalim sa ABS-CBN, ang nangungunang media at entertainment na kumpanya sa buong bansa.

Abangan ang iba pang handog ng bagong S+A sa ch. 23 sa free TV at S+A HD sa SKYcable. Para sa pinakamaiinit na update sa sports updates, bumisita lamang sa sports.abs-cbn.com o kaya i-follow ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with