^

PSN Showbiz

Diego at Sofia bawal pa sa commitment!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kahit ano’ng gawin nina Diego Loyzaga at Sofia Andres ay talagang hindi pa sila pinapayagan ng parents nila na magkaron ng relasyon. Hanggang sa pagliligawan lang muna sila puwede. Dapat ay unahin muna nila ang mga karera nila bago sila magpakaseryoso sa pag-ibig. Hindi naman nila ito puwedeng hindi sundin dahil may say pa rin ang mga parents nila sa kanilang mga career.

Samantala, nagsilbing katu-katulong ang binata nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano at ng kapatid ni Sofia sa pag-oorganisa ng kanyang nakaraang debut. Magiging madali lamang ang courtship for both Diego and Sofia dahil magkakilala na ang parents nila.

John Arcilla panggulat ang boses

Ang ganda naman ng latest version ng Ryan Ryan Musikahan Para Sa Bayan na napanood ko noong Linggo ng gabi sa ABS-CBN. Sabi nga ng mister ko, ang arte-arte ko raw da­hil umiiyak ako habang pinanoood ang kabuuan ng palabas na dati ay inaabangan ko lamang sa Jeepney TV.

Paanong hindi ako mapapaiyak sa paghanga ga­yong hindi lamang kan­tahan ang naging bahagi ng programa. Mga bago at magagaling na Pinoy ang nakasali tulad ng manunula na si Juan Miguel Severo na naging parte ng On The Wings Of Love, ang singer/guitarist na si RJ Manzano na baligtad tumugtog ng kanyang gitara at sina Bituin Escalante, Morisette Amon, Darren Espanto at ang RC Singers.

Isang malaking suprise sa akin ang pagkanta ni John Arcilla na bago pala naging artista ay nagsimula sa tanghalan. Ang ganda ng boses niya, noh! Kakatuwa ang ibinida niyang pipito lamang ang nanonood ng Heneral Luna sa unang linggo ng pagpapalabas nito. Dumami lamang nang tu­magal ang pagpapalabas nito.

Itinampok din sa palabas ang composer ng Huwag Ka Nang Umiyak, theme song ng Ang Probinsyano na si Ebe Danzel na mas napasikat pa nina Gary Valenciano at KZ Tandingan nga­yon.

Joshua at Sylvia malakas ang pramis ng rapport

Maganda rin ‘yung napapanood na eksena sa trailer nina Joshua Garcia at Sylvia Sanchez para sa The Greatest Love. Lahat kasi ng trailer para sa bagong teleseryeng ito ng Kapamilya ay nagtatampok lamang sa mga gumaganap ng mga anak sa serye (Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans) ay nagpapakita lamang ng galit ng mga anak sa kanilang ina.

‘Yung eskena lamang na nagpapakita ng pagmamahal ng isang apo sa kanyang lola na unti-unti nang nawawalan ng ala-ala. Ang ganda!

Robi hindi pa rin nakakasabay kina Luis at Billy

Mabuti naman at hindi nag­sasabay ng trabaho sina Luis Manzano at Billy Crawford. Nakatapos na ng The Voice Kids 2 ang anak ng Star For All Seasons bago pa simulan ni Billy ang Pinoy Boyband Super­star. Hindi nahahalata at napapansin na dala-dalawa lamang silang nagpapalit-palit sa paghu-host ng mga game show at pakontes ng Kapamilya.

Andyan nga si Robi Domingo, pero hindi pa ito lume-level up kina Luis at Billy. About time na para mag-develop ng mga bagong host ang network, ‘di ba?

Aljur biglang umingay kay Yassi

Walang-wala sa isipan ng manonood na may naka­raan pala sina Aljur Abrenica at Yassi Press­man kung hindi pa nagmula sa magandang Viva artist na nahirapan siyang mag-move on sa naging hiwalayan nila.

Baka naman ibang aktor ang nire-refer ng isa sa cast ng Camp Sawi sa kanyang social media account? Hanggang ngayon yata ay clueless si Yassi sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ng Kapuso actor.

Aside from Kylie Padilla at Louise delos Reyes, wala nang na-link na iba pa kay Aljur. Kundi pa kay Yassi ay wala nang mababalitaan pa tungkol kay Aljur. Ganern?!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with