^

PSN Showbiz

JC Santos hindi makapaniwalang bida na, pang-aaway lang kay James ang ini-expect!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kagabi ay nagsimula na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang teleseryeng Till I Met You na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at James Reid. Kasama rin sa mga bida ng bagong serye ang baguhang aktor na si JC Santos.

Halos hindi pa rin makapaniwala si JC na makapagbibida siya sa isang malaking proyekto katulad nito. “Actually, iniisip ko okay na ako kung aawayin ko lang si James dito. Gulat na gulat po ako at hindi ako makapaniwala na isa ako sa mga bida. Nagpapasalamat po ako sa pagtitiwala talaga. Punong-puno ang puso ko ngayon,” makahulugang pahayag ni JC. 

Nagsimula sa teatro ang binata at naranasan na ring maging performer sa Hong Kong Disneyland at Universal Studios Singapore. Nakakuha na rin si JC ng kursong musical theater sa New York upang makamtan ang kanyang mga pangarap. “Gusto ko po maging working actor talaga sa TV and also film. Lagi po akong nag-a-audition. Kung alin po ‘yung mauna, doon lang po ako,” giit ni JC. 

Mapapanood ang Till I Met You pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Grand champion ng TVK na si ?Joshua, maraming plano sa napanalunang P2M

Noong Linggo ng gabi ay itinanghal bilang Grand Champion ng The Voice Kids Season 3 si Joshua Oliveros. Ang dalawang milyong piso at isang bahay at lupa ay ilan lamang sa mga napanalunan ni Joshua.

Tubong Antique ang bata at masayang-masaya ito dahil matutulungan na niya ang pamilya sa kanilang pinansyal na pangangailangan ngayon. “Basta masaya lang po ako. Sa sobrang tuwa ko po, napaluhod pa po ako. Masaya po ako dahil po ako po ‘yung nakatanggap ng bahay, ng pera at ng trophy po. Malaking tulong po ito sa amin. Tutulungan ko po ‘yung pamilya ko,” nakangiting pahayag ni Joshua. 

Plano raw ng ina ni Joshua na si Maribel Esmenda na pangalagaan ang lahat ng napanalunan para sa limang magkakapatid. “Para sa kanila lahat ‘yun. Iipunin ko lahat para sa pag-aaral nila,” emosyonal na pahayag ng ina ni Joshua.

Malaki rin ang pasasalamat ng ina sa naging coach ng anak na si Lea Salonga dahil malaking bahagi ng tagumpay ni Joshua ay dahil sa international singer. “Sobrang galing po ni ma’am Lea. Maraming-maraming salamat po dahil tinulungan niya ‘yung anak ko. Lahat ginawa niya kaya nakapasok siya sa finals,” pagtatapos ni Maribel.

Kung sakali ay maninirahan muna ang pamilya ni Joshua sa Maynila para sa pagsisimula ng bata sa show business. Si Joshua ang kauna-unahang batang lalaki na nanalo sa nasabing kompetisyon. Matatandaang nanalo sina Lyca Gairanod noong season 1 at si Elha Nympha naman para sa season 2.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with