^

PSN Showbiz

Ogie hindi pa rin alam kung saan lilipat!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Marco Gumabao na mabago ang desisyon ng korte sa kaso ng kanyang amang si Dennis Roldan. Ilang taon na rin sa kulungan ang kanyang ama, pero umaasa silang iku-consider pa rin daw ng korte ang ilang ebidensyang hawak nila na hindi guilty ang kanyang ama.

Nandiyan pa rin ang paghanga ng young actor sa kanyang ama at malaking challenge sa kanya kung sakaling ipagkakatiwala sa kanya ang ilang mga  pelikulang nagawa ni Dennis Roldan.

Gagawin kaya niya ang ilang pagpapa-sexy na ginawa ng kanyang ama? “Ako naman I don’t mind kasi it’s for the craft. Basta ready lang ‘yung katawan ko.

“In due time, magiging ready naman,” nakangi­ting sagot ni Marco sa launch ng Smart Bro Bus na ginanap sa Tipsy Pig noong nakaraang Biyernes ng gabi.

PAK: Congratulations kay Ogie Alcasid na nag-celebrate ng kanyang kaa­rawan noong isang araw sa pamamagitan ng  Ayokong Tumanda concert.

Successful ang naturang concert dahil sold out ang dalawang gabi sa Music Museum. Kaya in-announce na rin doon ni Ogie na magkakaroon sila ng repeat sa October. Hindi pa lang alam kung ilang gabi ang repeat nito.

Nabanggit na rin doon sa huling gabi ng concert niya na Kapatid artist pa rin daw siya sa ngayon kahit tapos na ang kontrata niya sa TV5.

Hindi pa raw niya alam kung saan siya lilipat. “Sa ngayon siguro Kapanalig na lang muna,” pabiro niyang pahayag.

BOOM: Ang daming pumik-up sa ipinost ng da­ting senador na si Jinggoy Estrada tungkol sa dating security personnel ni Sen. Leila de Lima na si Warren Cristobal.

May inilabas siyang mga litrato ng mga kotse at motorsiklo na pag-aari umano ni Warren. Tinatanong niya kung si Sen. De Lima ba ang bumili ng mga ito.

Noon pa man ay may pa-blind item pa si Sen. Jinggoy tungkol kay W na na-link diumano sa isang senadora.  Maaring si Warren nga kaya ito. Marami pa yatang alam si Sen. Jinggoy tungkol sa mala­king isyung ito.

Kung sakaling makalabas lang siya ng Camp Crame, tila marami siyang ibubunyag. Pero parang mas type pa yata ni Sen. Jinggoy na gumawa ng pelikula dahil may naisip na raw siyang magandang kuwentong puwedeng isapelikula. Meron na nga raw siyang naisip na title, Basta Driver, Sweet Lover.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with