^

PSN Showbiz

Kris at Bimby bibigyan ng pelikula para sa Pasko?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Wala kaming nababalitaang pelikulang kalahok si Kris Aquino sa darating na MMFF. Ano kaya’t bigla siyang isama ni Vic Sotto sa Enteng Kabisote 10 & the Abangers, ang alam namin ay filled-up na ang cast nito. Puwede ring isama sa movie ang bunso ni Kris na si Bimby at pagsamahin silang tatlo nina Alonzo Muhlach at Ryzza Mae Dizon.

Tulad ni Alonzo, si Vic din ang nagbigay ng break kay Bimby sa pamamagitan ng My Little Bossings.

Dahil sa sudden twist of events, si G. Tony Tu­viera na ang tumatayong manager ngayon ni Kris. Si G. Tuviera ang big boss ng TAPE, Inc. na siyang producer ng longest-running noontime show na Eat Bulaga. Siya rin ang top gun ng APT Entertainment na co-producer ng OctoArts Films at M-Zet Films ng pelikulang Enteng Kabisote 10.

Robin malaki ang pagmamahal sa mga kasamahan sa industriya na biktima ng droga

Si Robin Padilla na rin mismo ang nakikiusap sa mga anti-drug enforcers na huwag munang pangalanan ang mga celebrities na gumagamit sa ipinagbabawal na gamot unless necessary at may sapat na ebidensiya. Marami kasi ang gumagamit noon ng droga ang huminto na sa kanilang bisyo pero hindi pa rin natatanggal ang kanilang mga pangalan sa watch list ng mga otoridad.

May talaan kasi ang mga enforcer sa mga kilalang personalidad na nagmumula sa showbiz na sangkot sa ipinagbabawal na gamot at under surveillance ngayon. Ang iba sa kanila ay ikinanta ng mga nahuling drug pusher at suppliers.

Pero kapag si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang masusunod, hindi niya paliligtasin ang mga taga-showbiz na sangkot sa droga.

Alonzo hindi namana ang height ni Niño

Kapag natanggap sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang pinagbibidahan ni Vic Sotto, ang Enteng Kabisote 10 & the Aban­gers na magkatulong na pinamamahalaan nina Tony Y. Reyes at Marlon Ri­vera, tatlong MMFF movie in a row ang sinamahan ng child star na si Alonzo Muhlach.

Si Vic Sotto ang unang nagbigay ng break kay Alonzo sa 2014 MMFF sa pamamagitan ng My Big Bossing. Pumangalawa rito ang Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin in 2015 at itong Enteng Kabisote 10 naman ang pangatlo kung saka-sakali.

Nakausap namin ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario noong isang araw at ibinalita nito na ipinaaayos na umano niya ang launching movie ni Alonzo na ipu-produce ng Viva Films which was put on hold nang suma­kabilang-buhay ang box office director na si Wenn Deramas na siya sanang magdidirek.

Nakalabas na rin ang bagong product endorse­ment ni Alonzo, ang Dutch Mill kung saan niya kasama for the first time ang kanyang parents na sina Niño Muhlach at Abby Tupaz.

Samantala, mukhang hindi ang height ni Niño ang minana ni Alonzo kundi kay Abby dahil matangkad ngayon ang bagets sa edad na anim na taon.

Still on Alonzo, masaya ito nang kanyang ma­ba­­litaang magkakasama silang muli ng kanyang BFF na si Ryzza Mae Dizon sa Enteng Ka­bisote 10. Sina Alonzo at Ryzza Mae ay nagkasama sa My Big Bossing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with