^

PSN Showbiz

Aligaga sa 18th birthday Diego seryoso kay Sofia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isa si Diego Loyzaga sa mga naging punong-abala sa ginanap na 18th birthday celebration ni Sofia Andres noong August 24. Nakipag-ugnayan daw ang aktor sa ilang miyembro ng pamilya ng dalaga upang maging maayos ang selebrasyon. “Actually we were secretly organizing it for quite a while now. Actually, ate niya talaga pero may mga hinihingi sa akin, mga tinatanong sa akin. Lahat kami nagtulungan para maihanda ito. I didn’t do as much as I could’ve done pero mas ate ‘yung sumalo at nagsabi na siya na ang bahala. I just pretty much had to sing and look cute,” natatawang pahayag ni Diego.

Napababalitang mayroon ng espesyal na ugnayan sina Diego at Sofia pero ayon sa aktor ay talagang magkaibigan lamang sila ng dalaga. “I’m here for Sofia. Ayoko naman sabihin na as an older brother pero asar niya sa akin ‘yun eh. Ang tawag niya sa akin, ‘Kuya’ pero I’m here to guide her. To be honest parang kuya niya talaga sa lahat ng bagay. Even if she doesn’t ask for my advice, lagi ko lang pinapaalala sa kanya na nandito ako para sa kanya,” paliwanag ng aktor.

Naipakilala na rin daw ang aktres sa mga magulang ni Diego na sina Teresa Loyzaga at Cesar Montano. “Yeah! Na-meet na ni Daddy si Sof and na-meet na ni mama. Ang payo from my parents and pati naman parents niya ay magtrabaho muna. Siyempre mauuna pa rin ang pagtatrabaho naming dalawa. Kasi marami pang naka-lineup para sa amin. I met her family. She’s met my family. I think it’s better na we have an open relationship,” pagbabahagi ni Diego.

Yeng kinukuwestiyon ang pagkakasama sa Superstar judges

Malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang Pinoy Boyband Superstar. Si Billy Crawford ang host ng bagong programa at sina Vice Ganda, Sandara Park, Yeng Constantino at Aga Muhlach naman ang mga Superstar Judges nito.

Marami raw ang kumukuwestiyon kay Yeng kung bakit napabilang ang Pop Rock Superstar sa mga hurado ng nasabing show. “Ako po ay masaya sa aking trabaho at kung ako’y pinangalanan na Superstar Judge ng buong team ng Pinoy Boyband Superstar, wala po akong kinalaman doon. Nagtatrabaho lamang po ako at talagang grateful po ako sa suporta at exposure, projects, na Ibinibigay sa akin ng network at ng talent management. And everything po na nangyayari sa life ko right now is blessing from God talaga,” nakangiting pahayag ni Yeng.

Kabi-kabila man ang ginagawang proyekto ng singer ngayon ay hindi naman daw ito nagiging hadlang sa relasyon nila ng asawang si Yan Asuncion. “Buti na lang po understanding siya and he knows na dream ko po talaga ‘to. ‘Yung lahat ng nangyayari sa career ko right now pinagdasal po talaga namin. Kasama po ito sa faith goals namin,” giit ng singer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with