^

PSN Showbiz

Karma sa kalandain noon magaling na aktres hawak sa leeg ng tibong karelasyon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng batambata pa ang isang magaling na aktres ay naging mapaglaro rin siya sa pakikipagrelasyon. Ewan kung trip lang niya ‘yun o sinasadya niya talaga, pero pinagsasabay niya ang dalawa-tatlong lalaki sa kanyang buhay, at nalulusutan niya naman ‘yun.

Kung gaano siya kapropesyonal bilang artista ay ganu’n din siya bilang karelasyon. Magaling siyang magmaniobra ng kanyang schedule, wala siyang sablay, hindi nagkakaalaman ang tatlong lalaki na magkakasalo pala sila sa isang pinggan.

Wala pang social media nu’n, telepono lang at ilang gadget na pangkomunikasyon meron sa ating bayan, pero nagagawang pagsabay-sabayin ng popular na aktres ang kanyang mga karelasyon.

Kuwento ng aming source, “Hawak kasi niya ang schedule niya, siya ang nagmamando sa oras niya, kaya nagagawa niya ang ganu’ng milagro. Magaling siyang schedule master, sa totoo lang, dahil hindi siya sumasablay.

“Kunwari, si Boyfriend A ang kasama niya sa lunch, si Boyfriend B naman ang sa merienda, si Boyfriend C ang ka-dinner niya. Walang sabit ‘yun, nairaraos niya ‘yun nang malinis na malinis.

“Ang gasgas niyang dahilan, kailangan na niyang magpahinga, kailangan niya ng tulog, dahil inumaga siya sa taping at shooting. Natural, hindi na kokontra ang guy, ‘di ba naman?

“Walang chance na nagkasabay-sabay ang mga boyfriend niya sa house niya. Paisa-isa lang ang drama niya, mahina ang kalaban, naiaayos niya talaga ang schedule niya,” tawa nang tawang pag-alala ng kaibigan ng aktres.

Nang magkaedad na ang aktres ay nagbago ang kanyang panlasa. Ayaw na niya sa mga kalalakihan, tivoli naman ang type niya, dalawang kilalang tibo sa showbiz ang pinagsabay niya.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Ang galing-galing talaga niyang humawak ng schedule! Pero isa na lang ang karelasyon niya ngayon, tivoli ang nagpapaligaya sa kanya, karma ang inabot niya dahil mahigpit ang tibo, bantay-sarado siya!” humahalakhak pa ring pagtatapos ng aming soure.

Ubos!

Katapangan ni James sa pagpapa-drug test sinaluduhan ng mga magulang ng fans

Mas maraming nagkagusto kay James Reid dahil sa kanyang posisyon ng pagpapa-drug test anumang oras para patunayan na hindi siya kasali sa listahan ng mga personalidad na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang katapangan ng guwapong young actor ay sinaluduhan ng mga magulang, lalong nagkaroon ng dahilan ang mga ito para piliing hangaan ng kanilang mga anak si James, dahil isa siyang ehemplo ng isang huwarang kabataan.

Totoo, nagpa-party siya, pero hanggang du’n lang. Hindi siya nagpa-party drugs. Tama na sa kanya ang pakikinig ng musika habang tumutungga ng inuming medyo nakapagpapagana pero kaya niya namang kontrolin.

Kailangan ni James Reid ang paminsan-minsang pagpunta sa bar. Halos wala nang pahinga ang heartthrob sa pagtatrabaho, siguro nama’y hindi krimen kung magpalipas naman siya ng oras sa labas, regalo na lang niya ‘yun sa kanyang sarili.

Pero para pumayag siyang sumailalim sa isang biglaang drug test ay sapat nang dahilan para mapatunayan niya na hindi siya nanghihiram ng lakas ng loob sa droga.

Hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, bitamina, tamang pagkain at pagdyi-gym nang regular ang ginagawa niyang panglaban sa sobrang pagod at puyat sa shooting at taping.

Inspirasyon ng anak naming si Bulak sa pag-aaral ang JaDine loveteam. Tutok ang aming bunso sa mga aktibidad ng magka-loveteam, kabisado nito pati ang kanilang mga product endorsements, kitang-kita namin ang kaligayahan nito kapag tinututukan ang serye ng JaDine.

Pinababayaan namin si Bulak, mahusay ang kanyang panlasa, perpektong modelo para sa mga kabataan ang tambalan nina Nadine Lustre at James Reid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with