^

PSN Showbiz

JaDine world day sa ASAP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Simulan ang selebrasyon ng JaDine World Day sa ASAP sa pagbisita ng Till I Met You stars na sina James Reid at Nadine Lustre ngayong Linggo (Aug 28). Bukod sa kilig na hatid ng Team Real ay bibigyan pugay naman sa ASAPinoy ang musika ni Jim Paredes sa pangunguna ni Tribute Master Gary Valenciano kasama ang ibang OPM icons na kinabibilangan nina Buboy Garovillo, Mitch Valdez, at Nanette Inventor, at Kapamilya performers na sina Piolo Pascual, Kean Cipria­no, Bradley Holmes, Richard Poon, Sitti, Nina, Kyle, Edray, at Vina Morales.

Isang patikim sa tamis pag-ibig mula sa Barcelo­na ang ihahandog ng Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa ka­ni­lang nalalapit na pelikulang Barcelona: A Love Untold.

Sumali sa all-out dance showdown nina Gerald Anderson, Rayver Cruz, Vin Abrenica, Sarah Lahbati at Kim Chiu kasama ang Kapamilya dance idols na sina Joshua Garcia, Jerome Ponce, at Loisa Andalio.

Harapin ang #AfterPhotoshootChallenge kasama sina Andrea, Kyline, Nash, AC of Lucky Aces, Nikko, Ronnie, Sue, at Nhikzy at samahan ang favorite Kapamilya heartthrobs na sina Inigo Pascual at Diego Loyzaga.

Huwag palalampasin ang mga palaging pinag-uusapan na ASAP segment na ASAP Birit Queens at ASAP Soul Sessions pati na rin ang isang special concert treat mula kay Jason Dy.

Samantala, mga kwentong puno ng inspiras­yon ang handog ng ASAP LSS kasama sina Yeng Constantino, Erik Santos, Jed Madela, Nina, Jay Durias, at Jolina Magdangal.

FDCP mag-iikot sa mga probinsiya

FDCP Chair Liza Diño wants to hear from you!

Ang bagong chairperson ng FDCP are coming this August to the Visayas and Mindanao regions at inaanyayahan ang lahat ng regional film communities for a film forum upang pag-usapan ang pangangailan at concerns ng filmmakers, film acade­mics and students, and enthusiasts sa bansa.

Nauna na niyang pinuntahan kahapon ang Min­danao Film Forum na ginanap sa Cinematheque Da­vao, Palma Gil St., Davao City.

Sa mga taga-Iloilo, the Visayas Film Forum ay ga­ga­napin ngayong Sunday, 9 am to 5 pm, sa Cinema­theque Iloilo, B&C Square Bldg., Iznart cor. Solis Sts., Iloilo City.

Libre ang nasabing forum sa lahat ng filmmakers and to everyone in the film community!

Make your voice of cinema be heard!

And if you are unable to attend, feel free to voice out through [email protected] or through our Facebook pages @FDCP.ph and @FDCPChairLiza.

Tom Rodriguez, kinilabutan sa Someone…

Indeed, kakaiba nga ang istorya ng upcoming GMA primetime series na Someone To Watch Over Me na pinagbibidahan nina Tom Rodriguez, Max Collins at Lovi Poe kung saan tinatalakay nito ang kwento ng isang lalaking may Alzheimer’s Disease. Pero para kay Tom, nagkamali raw siya nang inakala niyang isa lang itong plot device sa mga tele­serye. “Nung nabasa ko lang po siya, doon pa lang, eh. Parang kikilabutan ka na. Sabi ko, sana matuloy itong show na ito, na-excite ako agad. Sa totoo lang, ako na la­ging nagsa­sabi, hindi ko talaga akalain na puwede mangyari ito sa totoong buhay. Sorry, pero medyo naisip ko pa nung una, akala ko it was a plot device. Nung nabasa ko siya, and nag-research ako, doon ko nalaman na ito’y nangyayari,” paliwanag ng aktor. (SVA)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with