^

PSN Showbiz

Showbiz personalities na adik may tsansa nang magbago

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

It’s as if naman na end of world na sa mga artistang gu­magamit ng bawal na gamot. Ngayon marahil ang tamang panahon para sa pag-amin sa tuluyang pagbabago nila.

Marami na nga ang naunang gumawa nito at umamin na. Nakapanghihinayang lamang na nagkaroon na sila ng pagkakataon ay hindi pa nila itinuluy-tuloy.

Hindi naman ang addiction nila ang magiging mahalaga sa mga sumusubaybay sa kanila kundi ang tuluyang pagkawala nila sa kanilang bisyo. Lahat ng tao naman ay nasa likod nila, nasa kanila na kung pakakawalan pa ang napakagandang pagkakataon na ibinibigay sa kanila tungo sa tuluyang pagbabago. Ang nakakaawa ay ‘yung mga napagbibintangan lamang pero, hindi guilty sa kasalanan. Hindi madaling mapagbintangan. Pero kung iisipin mo matatalino na ang mga tao ngayon, hindi na basta-basta naniniwala.

Pag-aartista ni Sofia pinapaboran na

Kaya naman pala kontrang-kontra ang ilang mga kapatid sa panulat sa naging reaksyon ko sa pag-aartista ni Sofia na anak ng friend kong si Cristina “Kring-Kring” Romualdez, mayor ngayon ng Tacloban City ay dahil sa pag-uugali na ipinakita nito sa isang nanalo sa eleksyon at pagkatalo naman ng isa niyang kamag-anak dito.

Uncalled for ‘yung nakitang pag-uugali nito sa isang nakatatandang babae dahil lamang sa pagkampi niya sa kanyang kamag-anak. Lalong kinondena ko ‘yung pagsasalita niya ng hindi maganda dito dahil sa kanyang kabataan at estado sa buhay.

Kung nakakita ako ng hindi magandang pag-uugali niya ay forgiven ko na siya. Huwag na huwag na lamang niya itong ulitin. At binibigyan ko rin siya ng pagkakataon na ipamalas ang talento niya na gagamitin para ipakilala ang sarili sa mundo na minsan ay pinagreynahan na rin ng kanyang ina.

Hiwalayan nina Barbie at Kiko expected

Ang dali namang nagwakas ng relasyon nina Barbie Forteza at Kiko Estrada. Kung sabagay, hindi na ito pinagtatakhan pa ng marami lalo na ‘yung mga pabor sa paghihiwalay nila dahil sa simula pa ng romansa nila ay alam na nila na hindi ideal ang kanilang relasyon.

Hindi sila bagay at lalong hindi pa handa ang Kapuso actress sa aktor na anak ni Gary Estrada kay Cheska Diaz.

Wala namang masamang pahayag si Barbie tungkol kay Kiko maliban na lamang sa marami silang hindi pinagkakasunduan.

Pero ang network nila ay hindi nakikialam sa kanilang pag-iibigan tulad din ng hindi nila pakikialam noong kay Kim Rodriguez at Kiko na tumagal din ng taon ang relasyon. Ang dapat hindi mawala ay ang friendship nila kahit pa nagkahiwalay na sila.

Daryl, Jay-R, at Nyoy binagayan ang jukebox hits

Maganda pala kahit ibang singers ang kumakanta ng mga hit song ng mga jukebox queens tulad nina Imelda Papin, Eva Eugenio at Claire dela Fuente. Ibig sabihin lang, maganda talaga ang mga kanta but this is not to say na hindi rin magaling ang mga kumanta ng hits nila sa It’s Showtime na sina Daryl Ong, Jay-R at Nyoy Volante na mukhang nakitaan ng mga concert producer ng potensyal na makagawa ng matagumpay na palabas gamit ang old OPM hits na pagsasama-samahin sa mga nakatakdang konsyerto.

Cast ng Magkaibang Mundo at Sinungaling Mong Puso may mall shows

Jackpot ang mga taga-Baliuag at Malolos, Bulacan sa pagdating sa araw na ito sa kanilang lugar ng cast ng Magkaibang Mundo (Louise delos Reyes, Juancho Trivino, Dion Ignaio, Isabella de Leon, Marika Saisaki at Liezel Lopez) at Sinunga­ling Mong Puso (Kiko Estrada, Jazz Ocampo, Stephanie Sol at JC Tiuseco) sa SM Malolos at Robinsons Place Baliuag.

Gone are the days na sa mga presscon lamang at taping nakikita ng publiko ang mga paborito nilang artista, ngayon ay nagsasagawa na rin ng mall shows ang mga network kasama ang mga artista na lumalabas sa mga teleserye nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with