^

PSN Showbiz

Kahit kabi-kabila ang raket, young actress over ang kadamutan! Kagagahan nina Arci, Bela at Yassi pinapalakpakan sa mga sinehan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mukhang malaki ang kikitain ng mga producer ng pelikulang Camp Sawi. Consistent na malakas sa takilya ang pelikula dahil sa magandang feedback nito.

Puno ang SM Megamall noong nanood kami, at aliw na aliw ang mga manonood lalo na sa mga kagagahan nina Arci Muñoz, Bela Padilla at Yassi Pressman. Pagkatapos ng pelikula, nagpapalakpakan ang mga tao. Kaya ramdam naming hahataw pa ito sa takilya dahil sa word of mouth.

Si Bela talaga ang lumabas na bida, dahil isa siya sa nakapag-isip ng kuwento at siyempre ang boyfriend na si Neil Arce ang isa sa mga producer. Pero bumagay sa kanya ang role at lalo siyang gumanda sa pelikulang iyon.

PAK: Likas kayang kuripot o talagang manhid lang itong si young actress na ini­rereklamo ng mga handler niya dahil hindi man lang daw ito nag-aabot ng kahit magkano tuwing may raket ito.

Sa kakuriputan, hindi pa siya kumukuha ng driver. Siya talaga nag nagtitiyagang nagda-drive kahit saan ito magpunta, at kahit magdamagan ang taping.

Ang gusto lang daw niya ay hindi masanay sa dami ng kasama sa mga lakad niya. Okay na sa kanya ang may kasamang alalay o handler para tipid din sa pakakainin.

Diyan mo naman mapupuri si ma­gandang young actress. Pero sana ka­hit paminsan-minsan ay abutan na­­man daw nito ang handler niya na nag­titiyagang kumukuha ng raket sa kanya.

Sa rami ng nararaket nito, ang laki nang kinikita niya at deretso talaga sa bulsa at ‘di man lang naambunan ang taong nakapaligid sa kanya.

Mabuti pa raw ang ibang artistang hawak ng mga narereklamong handler, kahit papano ay damay sila sa biyaya nito

BOOM: Ayaw na sana ni Michael Pangilinan na umabot sa demandahan, pero nakahanda naman daw siyang harapin ito kung sakaling umabot na sa legal na paraan ang hinihingi niyang visitation rights sa kanyang anak sa dating girlfriend.

Hindi nga raw maganda ang hiwalayan nila nitong dating girlfriend na na­anakan niya, pero maayos naman daw siyang nakiusap na sana makita at madalaw naman daw niya ang kanilang anak.

Saad ni Michael; “Hangga’t maari po ayoko sanang umabot sa ganun. Pero kung darating tayo sa ganun para makita ko ‘yung baby ko, gagawin ko.”

Nagpadala na raw siya ng demand letter, pero wala raw gina­gawa ang dating girlfriend at ang kampo nito. Kaya gusto raw sana niyang iparating sa kanila na sana mapagbigyan na raw siya sa karapatan niya sa kanyang anak dahil hindi naman daw siya nagkulang sa responsibilidad bilang ama,

Baliktarin natin ‘yung situation. Ako ang hindi nagpapahiram at nagpapakita ng anak ko, matutuwa kayo?

“Sabi ko nga, kung may problema tayong dalawa, huwag mong idamay ang bata. Kung may galit ka sa akin, o may galit ako sa ‘yo, huwag nating idamay ang bata,” mensahe niya sa nanay ng kanyang anak.

Ngayon ay abala siya sa launch ng bagong endorsement niyang Smart Brokada na kung saan kasama niya sina Marco Gumabao at Sam Concepcion na umiikot sa ilang  bahagi ng bansa, sakay ng Smart Bro bus para i-promote ang Smart Bro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with