^

PSN Showbiz

Male personality idinadaldal ang mga aktres na naikama!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sana’y itikom naman ng isang pamosong male personality ang kanyang bibig tungkol sa mga nakaraan niyang pakikipagniig sa mga kapwa niya artista. Masyadong nilangisan ang dila ng aktor.

Kung para sa kanya ay biro lang ang lahat, para sa mga nakakarinig ay kabastusan ang ganu’n, lalo na’t mga kababaihan pa naman ang isinasangkot niya sa kuwento.

Nakakatakot palang maka-close ang kilalang aktor na ito, puwede pala niyang ipagmakaingay kahit kanino ang nakaraan nila ng kahit sino, napaka-kiss and tell niya.

Kuwento ng aming source, “Tulad nu’ng minsang dumaan sa umpukan nila ang isang kilalang actress-singer. Wala namang nagtatanong sa kanya, pero siya ang nag-volunteer na magkuwento tungkol sa past nila.

“Ang sabi niya, ‘Alam n’yo, titingnan n’yo siyang parang naive, pero believe me, magaling siya sa kama! Ang galing-galing niya, hayup sa sex ang babaeng ‘yun!’

“Natural, nawindang ang mga kaharap niya, meron pala silang past ng singer-actress, na kadadaan lang sa harapan nila? Parang hindi totoo, parang gawa-gawa lang ni ____(pangalan ng kilalang aktor) ang kuwentong nagchurvahan sila!” simulang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsan daw namang katatapos lang ng isang variety show ay kinukuha na niya sa parking lot ang kanyang kotse, pero binati siya ng isang sexy actress, nagtanungan daw sila kung saan sila pupunta pagkatapos ng show.

“Wala raw ang isinagot sa kanya ng girl, wala rin daw siyang pupuntahan, kaya sa tinginan lang, e, nagkaintindihan na sila. Dinala raw niya ang sexy actress sa condo unit niya at du’n na naganap ang isang mainitang laban na hindi niya inaasahang mangyari dahil ni hindi nga siya pinapansin ng girl kapag nagkikita sila sa rehearsal.

“Nakakaloka ang male personality na ‘yun, nakakatakot siyang makasama sa kama, ihe-headline ka niya sa buong mundo lalo na kapag lasing na siya,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mayor HB parang barko na inaangkasan

Kontrang-kontra kami sa droga. Gusto namin ang kampanyang ginagawa ng mga otoridad na paghuli-pagpaparusa sa mga gumagamit at nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot basta dumadaan sa tamang proseso ang kanilang mga hakbang.

Pero hindi namin maiha­nap ng katwiran ang kasong isinampa ng VACC laban kay Mayor Herbert Bautista, criminal case ‘yun, dahil daw sa pagiging iresponsable at pabaya ng mayor ng Quezon City sa kanyang mga nasasakupan.

Ginamit pang puntong panglaban kay Mayor Bistek ang pag-amin ng kanyang konsehal na kapatid na gumagamit nga ito ng droga. Teka lang muna. Kung pagiging iresponsable bilang tagapamuno ng kanyang siyudad ang ipangsasampal laban kay Mayor Herbert ay mapapagod ang grupong ito sa pagsasampa ng criminal case laban sa sangkatutak na mayor ng ating bayan.

Bakit, Quezon City lang ba ang sinasabi nilang lugar na pinamumugaran ng mga gumagamit ng droga, wala rin bang mga addict sa marami pang ibang bayan o siyudad sa Pilipinas?

At hindi dapat idamay si Mayor Herbert sa pag-amin ni Konsehal Hero Bautista na gumagamit nga ito ng ipinagbabawal na gamot, magkaapelyido lang sila at nagmula sa iisang sinapupunan, pero dalawang magkaibang tao sila.

Hindi kinulang sa paggabay at pangaral si Mayor Herbert kay Konsehal Hero, pero kung sa kabila nu’n ay mas pinili pa rin ng nakababatang aktor ang maling daan, kailangan bang kay Mayor Herbert ibunton ang sisi sa naganap?

Ang dami-daming isyung kunektado sa droga na dapat kuwestiyunin ang grupong ito, kaliwa’t kanan ang nagaganap na patayan ngayon na ang gasgas na katwiran ay droga, kahit wala namang hawak na ebidensiya ang mga otoridad kadalasan.

‘Yun ang dapat nilang tutukan, hindi ang taong gi­na­gawa naman ang lahat para maging ligtas sa droga ang kanyang nasasakupan, isang barko ba si Mayor Herbert Bautista na napakasarap angkasan?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with