Gretchen malaki pa rin ang hinanakit sa pamilya
Hanggang ngayon ba ay may isyu pa rin si Gretchen Barretto sa kanyang pamilya? Hindi mawala-wala ang disgusto nilang magpa-pamilya sa isa’t isa at kahit naman apektado nito ang kanilang mga anak ay ayaw tumigil ng mga nag-aaway-away.
Sa kabila naman ng pinagdaraaan niya ay welcome pa rin sa magandang artista ang paggawa ng teleserye. Kasama ito sa Till I Met You na eere na next week kapalit ng Dolce Amore.
Kaya nagtatagal ang pagsasama
Zoren tanggap na mas malaki ang kita ni Carmina!
Maganda at very revealing ang interview na ginawa ni Boy Abunda kina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Kita kung bakit successful ang marriage ng dalawa.
Zoren is willing to take a back seat kay Carmina na pinaniniwalaan ko ay maganda naman siyang tinatrato bilang asawa. As if si Zoren ang panganay niyang anak na siya namang concept ko ng marriage na matagumpay na sinasang-ayunan ng aking mga tagapakinig kapag naiimbita akong magsalita sa mga eskwela at organisasyon tungkol sa Filipino marriage.
Kung bakit ako naiimbita gayung hindi naman ako graduate ng Psychology ay ibinibigay ko na lamang ang kredito sa aking pagiging may asawa ng 46 years. Naniniwala ako na when a woman picks a husband, ito na ang maituturing na panganay niya.
Hanga ako kay Zoren dahil sa pakikipag-usap nila sa King of Talk ay handa itong makinig lamang and leave the talking to Carmina, pero alam mo na sa bahay ay boss siya ng pamilya niya. Ang mga tipo ni Zoren ang nagpapakampante sa mga asawa na nag-iisip na sila ang nakakalamang sa marriage sa halip na 50% lamang ang dapat ay ambag nila.
Both Zoren and Carmina ay bahagi ng cast ng Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre and this early ay alam mo nang susubaybayan na naman ng manonood at magpapakilala nang husto sa isang baguhan na nagngangalang JC Santos.
Mariel nag-aaral nang manganak
Sumasailalim pala si Mariel Rodriguez-Padilla sa isang New Born Care Training sa kanyang pagbubuntis ngayon para makasiguro na maisisilang niya nang walang panganib ang panganay nila ni Robin Padilla.
Matatandaan na ang unang ipinagbuntis niya ay nauwi sa miscarriage na labis na pinanghinayangan ng lahat dahil triplets ang dapat sana ay isinilang niya. Doble ingat siya sa pregnancy niya ngayon and she awaits the birth of her baby with the close guidance of her OBGyne.
Yeng maagang nagawan ng musical play
Palabas na pala sa September 8 sa PETA theater ang musical play na Ako Si Josephine na nagtatampok sa mga awitin ni Yeng Constantino. Excited si Yeng dahil sobrang napakabata pa niya para magkaron ng isang stage play na pawang mga kinompos niya na awitin ang maririnig.
Ang APO nga ay umabot na sa kanilang retirement bago nagkaroon ng movie na mga awitin nila ang tampok. Ito ay sa Do Bi Do na nagtampok kina Gary V, ZsaZsa Padilla, Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, Eugene Domingo, Ogie Alasid, Neil Coleta at marami pang iba.
Si Josephine si Yeng sa totoong buhay at ang Ako si Josephine ang magsisilbing patunay ng kanyang kagalingan bilang isang composer.
Kiko mas pinapaboran na kaysa kay Rafael
Marami ang naka-miss kay Rafael Rosell nang mag-promote sa Wowowin ang pareha nina Rhian Ramos at Kiko Estrada para sa Sinungaling Mong Puso. Bagaman at sa punto ngayon ng kuwento ng Sinungaling Mong Puso ay si Roman na ginagampanan ng dating Kapamilya actor ang nagbibigay ng matinding pagganap, na nagiging kontrabida na ang role niya at isa-isa nang kumakampi kay Kiko ang maraming manonood ng serye na nakakakita ng malaking potensyal sa batang aktor lalo’t umaayon sa kanya ang takbo ng istorya dahil salbahe rin ang role ng kapareha niyang si Jazz Ocampo.
- Latest