^

PSN Showbiz

Sports channel na?! Dating PBA coach na si Chot Reyes in-appoint na OIC ng TV5!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isang TV5 insider ang nagbalita sa amin na wala na rin umano ang president ng TV5 na si G. Noel Lorenzana at lumutang ang pangalan ng dating PBA coach na si Vicente “Chot” Reyes na siyang papalit sa kanya.

True enough, si Chot Reyes nga ang in-appoint na bagong OIC ng Mediaquest Hol­dings, Inc. at TV5 and concurrently president ng Media5 Marketing Corporation. His position will take effect on October 1, 2016 dahil hanggang sa katapusan pa umano ng September ang kasalukuyang presidente ng TV5 na si G. Noel Lorenzana.

Since sports ang focus ng TV5 at ang bagong pinuno ay galing din sa industriya ng sports, bakit kaya hindi na lamang gawin sports channel ang TV5?

Samantala, si Luchi Cruz pa rin kaya ang head ng News Department ng TV5? Matagal na umano itong hindi nakikita sa nasabing network.

Vice wala nang pahinga

Si Vice Ganda na yata ang isa sa pinaka-busy among the Kapamilya stars. Araw-araw siyang napapanood sa telebisyon mula Lunes hanggang Linggo. Mula Lunes hanggang Sabado ay sa It’s Showtime at kapag araw naman ng Linggo sa kanyang Gandang Gabi Vice at malapit na ring mapanood ang Pinoy Boyband Superstar kung saan isa siya sa mga judge along with Aga Muhlach, Sandara Park at Yeng Constantino. May pelikula rin siyang ginagawa with Coco Martin inten­ded for the Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kasalukuyang nasa New York, USA si Vice Ganda para sa ASAP dahil isa siya sa most requested ng ating mga kababayan sa naturang lugar.

Kahit wala nang pahinga si Vice Ganda, hindi ito nagku-complain dahil lahat ng trabahong kanyang ginagawa ay blessings sa kanya. “Magreklamo ka kapag wala kang ginagawa,” aniya.

Samantala, maulit kaya ang record na naitala sa box office ng movie nila ni Coco sa 2015 MMFF, ang Beauty and the Bestie sa movie na ginagawa ngayon ng dalawa?

Maine sinulit ang bakasyon sa Amerika

Hinding-hindi makakalimutan ng Kalyeserye Queen na si Maine Mendoza ang kanyang recent trip sa Los Angeles, California kung saan niya magkasunod na pinanood ang dalawa niyang paboritong artists, si Adele at ang British band na Coldplay. 

Kahit tight ang kanyang schedule, naisingit din niya ang pamamasyal sa Universal Studios kung saan maraming Filipino fans ang nagkagulo sa kanya.

Marami ang natutuwa kay Maine dahil sa pagi­ging accommodating nito sa kanyang fans.

Ngayong araw ng Sabado ay muling mapapanood si Maine sa Kalyeserye at Juan for All, All For Juan segment ng Eat Bulaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with