^

PSN Showbiz

Hunk actor katawan lang ang may improvement, zero pa rin sa aktingan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nadagdagan na naman ang mga kuwento ng kaangasan ng isang hunk actor na hindi na gaanong aktibo ngayon sa pag-arte pero ayon sa mga miron ay pumoporma pa ring parang kung sino siya.

Totoong nagkaroon ng oportunidad ang hunk actor na mabigyan ng mga proyekto sa isang malaking network, ano bang ham actor siya, ano bang hindi naman siya magaling umarte?

Malakas sa istasyon ang kanyang backer, may kamay ito sa mga proyekto ng network, kaya palaging nakakasama sa malalaking serye ang maangas na hunk actor.

Sabi nga ng aming source, “Hindi lang siya basta naka-casting, siya pa nga ang bumibida, ‘di ba? Wala siyang talent, sa totoo lang, puro porma lang naman ang hunk actor na ‘yun, e!

“Kaya lang, alam n’yo na, may malakas siyang backer sa network, kaya ayun, napag-iiwanan ang mga talents nilang marunong umarte, hindi tulad ng hunk actor na ‘yun na hindi na gumradweyt sa pagiging hamonado!” kuwento nito.

Kailan lang ay nagsadya sa isang lugar ang hunk actor, maangas pa rin kuno ang kanyang dating, feeling daw ng male personality ay magkakagulo nang dumating siya. “Pero waley! Nasira ang ilusyon niya! Walang nagkainteres man lang na makipag-selfie sa kanya. Akala siguro niya, e, ima-mob siya, sorry na lang sa kanya!

“Kung makaporma siya, e, akala mo naman ang galing-galing niyang umarte! E, ‘di nga ba, malapit nang duguin ang isang magaling na direktor na nakatrabaho niya?

“Para mawalan na ng stress ang director, e, pinaigsi na lang ang role niya. Ang tagal-tagal na niyang nag-aartista, napagod na ang mga workshop facilitator sa kanya, pero hanggang ngayon, hamonadong artista pa rin siya?

“Puro porma lang ang inaatupag niya, panay-panay ang pagpapalaki niya ng body niya, pero diyetang-diyeta naman ang acting niya!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Bagong Whitney Houston may sariling atake

Naging guest namin sa Cristy Ferminute (4-6 p.m., 92.3 News FM, Aksyon TV-41) ang napakagaling na South African singer na si Belinda Davids na magtatanghal ngayong gabi sa PICC Plenary Hall.

Sa fifteen thousand na nag-audition para sa The Whitney Houston Show ay si Belinda ang napili ng mga producers dahil sa ganda ng kanyang boses. Maganda rin ang singer, walang kaarte-arte, lahat nga ng mga Whitney Houston songs na ini-request sa kanya ng mga tagapanood-tagapakinig namin ay ibinigay niyang lahat.

Ngayong gabi na ang show, si Belinda Davids ang magbibigay-pugay sa namayapang international singer, limang taon lang si Belinda nang ipakanta ng kanyang teacher sa kanya ang The Greatest Love Of All pero walong taon na siya nang malaman niyang si Whitney Houston pala ang kumanta ng nasabing piyesa.

Dikit na dikit ang kanyang boses kay Whitney, pero may sariling atake si Belinda Davids, ‘yun ang naghihiwalay sa kanila ng namayapang singer.

Hatinggabi nang dumating sa Pilipinas si Belinda, kinabukasan ay kinailangan niyang gumising nang napakaaga para sa kanyang guesting sa aming programa, pero nang isa-isa nang bumirit ang South African singer na mga kanta ni Whitney Houston ay hindi mo iisiping apat na oras lang ang tulog niya.

Papuri ni Mr. Jessie Gonzales na producer ng The Whitney Houston Show mamayang gabi sa PICC Plenary Hall, “Ang dami-dami ko nang nakatrabahong foreign singers, pero ibang-iba si Belinda. Wala siyang kaarte-arte, she’s very professional.”

Ang J Brothers ang front act ng palabas mamayang gabi. Malaking karangalan para sa grupo ang makatrabaho si Belinda Davids at ang buong produksiyon ng The Whitney Houston Show.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with