^

PSN Showbiz

Carmina at Zoren suwerte ang turing sa JaDine!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Lunes ay magsisimula na ang teleseryeng Till I Met You na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at James Reid. Kasama rin sa bagong serye sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel kaya masayang-masaya ang mag-asawa. “Suwerte kami dahil ako I came from the show of Forevermore with LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) naman ‘yon. So this time JaDine naman, so something to look forward to.’ ‘Yung mga nakakasama namin kumbaga sila ‘yung talagang cover story ng mga magazine, laman ng mga endorsements. So it’s going to be exciting,” nakangi­ting bungad ni Zoren.

Nagpapasalamat naman si Carmina dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tagahanga ng JaDine. “Nakakatuwa kasi ‘yung nalaman nilang magiging part kami sa mga fans nila and mga supporters, they are excited. Ni-welcome nga kaming dalawa kasi nga dalawang pairs, two real couples in one show. So nakakaaliw lang,” kuwento ni Carmina.

Marami ngayon ang nagtatanong sa mag-asawa kung sino na ang makakasama ng kambal na anak na sina Cassy at Mavy ngayong sabay silang nagtatrabaho. “Normally kasi ‘pag may work siya, ako ‘yung walang work. Sometimes naman ‘pag ako may work, siya naman ‘yung walang work but this time kaming dalawa,” nakangiting pahayag ni Zoren.

“Kasi itong mga pilot week mas ‘yung character ko muna ‘yung medyo visible. Pagdating na ng Greece, siya naman ‘yung magiging visible. So siguro nagkataon lang na since we are working together, medyo malaki-laki na ng konti ‘yung kambal. So puwede na naming iwan ng kaunti, may mga kasama naman sa bahay,” paliwanag ni Carmina.

“Marunong na silang mag-prepare ng kanilang pagkain. So siguro perfect timing lang na nabigyan kami ng show together na malaki na ‘yung kambal at hindi na masyadong alagain talaga. And they are also excited especially kasama pa namin ‘yung JaDine. So mas lalo pa silang, ‘Wow!,” dagdag pa ng aktres.

Arci kalaro ang turing kay Jericho

Napalitan na ang titulo ng teleseryeng pinagbibidahan nina Arci Muñoz at Jericho Rosales. Never Ever Say Goodbye ang dati nitong titulo at ngayon ay Magpahanggang Wakas na. Kasama rin sa nasabing soap opera sina John Estrada at Gelli de Belen. “Mahuhusay ang mga kasama ko. Sina Jericho, Kuya John, Ate Gelli, lahat mahuhusay. Kaya napi-pressure ako na mas paghusayan pa dahil nakakahiya kung magti-take two dahil sa akin,” nakangiting pahayag ni Arci.

Ito ang kauna-unahang pagtatambal ng aktres at Jericho sa isang proyekto pero ayon kay Arci ay malapit na sila ng aktor sa isa’t isa ngayon. “Sobrang ka-close ko ‘yun, para kong kapatid si Echo. Kalaro ko ‘yun, kaya kunwari kapag magkahiwalay kami ng taping, may mga eksenang wala siya, malungkot,” pagbabahagi ng dalaga.

Samantala, tatlong taon nang kasintahan ng aktres si Badi del Rosario na isang rock artist. Anak ng prinsipe ng Brunei ang binata at para kay Arci ay masaya at maayos naman ang kanilang relasyon nito. Si Badi raw ang nagsisilbing inspirasyon ngayon ni Arci. “Waging-wagi naman ang love life ko ngayon,” giit pa ng dalaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with