^

PSN Showbiz

Ilan pang supplier ng droga sa showbiz, timbog din!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natimbog kahapon sa Mandaluyong City ang mga drug suspect na pinaghihinalaan na supplier ng illegal drugs sa mga showbiz personality.

Sa interbyu ng dzBB kay PDEA-NCR Director Wilkins Villanueva, sinabi nito na nakatutok sila sa isang showbiz personality na user na, nagbebenta pa ng mga bawal na gamot.

Maliban sa napapanood sa TV, walang ibang clue na ibinigay si Papa Wilkins pero kung sinuman ang tinutukoy niya na artista, siguradong kinakabahan na.

Hoping ang PDEA na makakakuha sila ng lista­han ng mga artista na binebentahan ng illegal drugs ng mga suspect na nahuli kahapon sa Mandaluyong City.

Habang hindi pa huli ang lahat, dapat magbago o sumuko na ang mga artista na lulong sa droga. Huwag na nilang hintayin na pangalanan sila ng mga pulis ‘no! Ganyan talaga ang mga nangyayari sa mga tao na may bisyo na masama dahil whether they like it or not, pagbabayaran nila ang kanilang mga hindi kanais-nais na gawain.

Andre pangarap maging direktor

Inabangan kagabi ng Encantadia fans ang mga eksena ni Conan Stevens, ang Australian giant na may special participation sa telefantasya ng GMA-7. Kilalang-kilala si Conan ng mga sumusubaybay sa Game of Thrones dahil siya ang gumanap na The Mountain. Matagal na namalagi sa Pilipinas si Conan dahil nag-taping siya ng mga eksena niya para sa Encantadia.

Si Andre Paras ang kasama ni Conan sa mga eksena nito at dahil parehong mga higante, puwedeng mapagkamalan na mag-ama ang da­lawa.

Bilib na bilib si Andre kay Conan dahil wala itong kayabang-yabang sa katawan, kahit international actor siya.

Naging fan ni Conan si Andre dahil magaan na katrabaho ang sikat na Australian actor. Hindi maru­nong magsalita ng Tagalog si Conan pero binigyan siya ng mga speaking line sa kanyang eksena, ang lengguwahe ng mga diwata sa Encantadia.

Dalawa ang regular shows ni Andre sa GMA-7, ang Encantadia at ang Sunday PinaSaya. Ang role ni Wahid na unang ginampanan ng kanyang tatay na si Benjie Paras ang karakter ni Andre sa Encantadia.

Nag-trip down memory lane si Andre nang mag-taping siya para sa Encantadia dahil isinasama siya ni Benjie sa set ng telefantasya ng Kapuso Network. Bagets na bagets pa noon si Andre na walang kamalay-malay na darating ang araw na gagampa­nan din niya ang role ng kanyang ama.

Inayos na mabuti ni Andre ang schedule niya sa school at Encantadia para hindi magkaroon ng conflict.

Nag-aaral si Andre ng filmmaking dahil dream niya na maging direktor at cinematographer.

Pahinga muna si Andre sa paglalaro ng basketball dahil type niya na mag-concentrate sa kanyang pag-aaral at sa pag-arte.

Ipinaubaya na ni Andre ang paglalaro ng basketball sa kanyang kapatid na si Kobe.

Michael de Mesa balik sa dating gawi!

May special participation si Michael de Mesa sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? ng Viva Films. Si Michael ang gumanap na Tita Lexi, ang transgender woman na tiya ni Dennis Trillo sa pelikula na tinatampukan din nina Paolo Ballesteros at Anne Curtis.

Perfect si Michael sa role na Tita Lexi dahil magaling siya na umarte na bading. Hit na hit ang gay character ni Michael sa sitcom nila ni Alma Moreno noong dekada 80s, ang It’s A Deal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with