^

PSN Showbiz

Young actress natipuhan ng actor na may ka-loveteam na selosa ang fans

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nanganganib ma-bash ng todo ang isang magandang young actress (YA) dahil lang sa tsikang may crush sa kanya ang isang sikat at gwapong aktor. Nakunan pa ng picture na naka-smile at tutok ang tingin ng aktor kay YA habang kumakanta sa show kung saan siya guest.

Hindi magugustuhan ng fans ng aktor at ng ka-love team nito ang balita na may ibang tinitingnan ang aktor dahil para sa fans, sa ka-love team lang nito siya dapat magkagusto.

Kaya ihanda na ni YA ang sarili sa bashers ‘pag kumalat ang tsismis na crush siya ng aktor.

Lalong iingay ang tsikang ito dahil magiging madalas ang pagkikita ng aktor at ni YA. Kung bakit? Basta, mag-obserba na lang kayo.

Aljur pinalayas ang pamilya sa nabiling town house

Pinost ni Aljur Abrenica sa Instagram (IG) ang ginagawang major renovation sa kanyang townhouse sa may Quezon City area. Pero sabi nito sa presscon ng Oh, Boy! concert, aabutin pa ng two months bago matapos ang renovation dahil umuulan.

Kapag natapos ang townhouse, magsosolo nang manirahan si Aljur dahil ang pamilya niya ay sa ibang bahay na titira. Ito’y para matutong mamuhay ng sarili ang mga kapatid lalo na ang bunso nilang lalaki.

Samantala, kasama ni Aljur sa Oh, Boy! concert sina Rocco Nacino, Jake Vargas at Derrick Monasterio. Sa September 23 na ito sa Music Museum at para maiba sa ibang concert, may role na gagampanan ang apat dito.

Si Aljur ay isang rock star, si Jake ay pizza boy, si Derrick naman ay teacher at si Rocco ay police officer at handa na silang magpakilig at magpasaya sa manonood ng concert. Dagdag ni Aljur, all out ang kanilang performance dahil pare-pareho silang single na apat.

“Pero ako, I’ll make my performance more personal and you’ll see the naughty side of me,” pangako ni Aljur.

Produced ng Dreamstar Events ang Oh, Boy! sa direction ni Marvin Caldito at musical director si Soc Mina. Guest sa concert si Julie Anne San Jose.

Ruru napuruhan ng sipa ni Pancho

Kabilang si Ruru Madrid sa mga ipinakilala na dagdag na mainstay ng Sunday PinaSaya at makakasama na sa two-part birthday celebration ng show sa September 4 and 11. Excited na ang aktor sa production number na ibibigay sa kanya at nangakong gagalingan para hindi raw magsisi ang APT Entertainment at GMA-7 sa pagsama sa kanya sa show.

Thankful si Ruru na nagkasama sila ng ka-love team niyang si Gabbi Garcia sa Sunday PinaSaya family. Mabibigyan na siya ng chance na makakanta at makapag-comedy na nadiskubre niyang kaya pala niyang gawin.

Kinumusta rin namin kay Ruru ang Encantadia kung saan, hindi na lang siya si Ybarro at Ybrahim. Nakikilala na rin siya bilang si Kalansag na tutulong sa mga Sang’gre sa paglaban sa kanilang kalaban.

Nakuwento ni Ruru na nananakit pa ang mga binti niya dahil sa fight scene na ginagawa sa fantaserye. Nadagdagan ‘yun ng pananakit ng kanyang dibdib dahil sa eksenang nahulog siya sa bangin. Totohanan siyang nasipa ni Pancho Magno na wala pang harness. Mataas ang kinahulugan niya sa sahig.

Hindi nagalit kay Pancho si Ruru dahil si direk Mark Reyes na raw ang nagalit dito.

Dahil sa pagiging consistent late, Barbie kinalasan si Kiko

Mukhang may kasalanan ang trapik sa break-up nina Barbie Forteza at Kiko Estrada after only four months of relationship. Hindi nag-elaborate si Barbie kung bakit sila mabilis nag-break ng ex at ang sabi lang “Time based.”

Nagtanong-tanong kami at nalamang madalas late si Kiko tuwing may usapan silang magkita ni Barbie. Kung sinusundo pa ni Kiko si Barbie sa bahay nito, dagdag na oras ang nasayang dahil sa Parañaque nakatira si Kiko at sa may Commonwealth sa Quezon City ang bahay nina Barbie.

Ang nabalitaan pa namin, after ng Cinemalaya nag-break sina Barbie at Kiko. Hindi namin naitanong kay Barbie kung natuloy manood si Kiko ng Tuos nila ni Nora Aunor gaya ng ipinangako nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with