^

PSN Showbiz

Angel nagbubuhat na naman sa gym!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Balik naman sa weightlifting si Angel Locsin. Ibig sabihin lang ay wala na itong problema sa kanyang spine. Mahirap na sport ang binabalikan niya kaya malaki ang pag-asa ng kanyang tagasubaybay na pati ang Darna ay makukuha niyang muli. Dalangin na lamang nila ay tuluyan na siyang maka-move on kay Luis Manzano para hindi niya ginagawang cheap ang kanyang sarili sa paraang paghahabol niya rito. Ang ganda-ganda niya at marami pa ang magtatangka na makuha ang puso niya.

Napag-uusapan na rin lamang ang anak ng Star For All Seasons, napakasuwerte nito dahil parang dadalawa lamang sila ni Billy Crawford na pinagpipilian para mag-host ng mga programa ng ABS-CBN.

Kung nagdi-develop man ang network ng mga bagong artista, direktor at mga writer, dapat magsanay din sila ng mga host. After Luis and Billy, tanging si Robi Domingo na lamang ang puwede sa trabaho ng dalawa. Bakit hindi sila mag-develop ng iba? Puwede rito si Xian Lim.

Kim Chiu sasabak sa mga beauty pageant

Nagbabalik si Kim Chiu sa Maalaala Mo Kaya bilang konteserang lalaban sa iba’t ibang beauty pageants para sa pangarap at pamilya bukas sa ABS-CBN.

Handa nang tumapak ni Jeany sa kolehiyo nang biglang nasunog ang karinderya ng kanyang inang si Maria na siyang pinagkukuhanan nito ng panustos sa kanya. Dahil sa kawalan ng pera, naisip ni Jeany na sumali sa beauty pageants. Nag-aalangan siya noong una hanggang sa natutunan niya rin itong mahalin dala ng premyong hatid nito.

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina Sylvia Sanchez, Jong Cuenco, Johan Santos at Lassy Marquez, sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao at panulat nina Jaymar Santos Castro at Arah Jell Badayos. Pinamumunuan ito ng business unit head nito na si Malou Santos.

Barbie takot makaharap si Kris

Kahit umaming may kaba, sinabi ni Barbie Forteza sa napakasayang paglulunsad ng first anniversary ng kanilang programang Sunday PinaSaya sa GMA na baka isa sa mga araw na ito ay maging bisita ng show si Kris Aquino. Kabilang na kasi umano ito sa mga talent ng TAPE, Inc. na siyang producer ng show. Kinikilala na ang kakayahan ng Kapuso young actress sa panggagaya sa dating presidential sister. At kahit confident siya sa kanyang pag-i-spoof kay Kris kasabay nito ang kaba na baka hindi ito magustuhan ni Kris. “I try my best to spoof her. Hindi ko siya binabastos,” paliwanag ng aktres na tinatanggap na ng manonood ang pagpapatawa niya sa pang-Linggong programa ng network.

Para sa kanilang ikalawang taong pag-ere, idinagdag pa sina Gladys Guevara, Andre Paras, Atak, Ruru Madrid, Gabbi Garcia at marami pang iba. Original na kasali sa show sina Marian Rivera, AiAi delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards, Julie San Jose, Jerald Napoles, Joey Paras at Valeen Montenegro.  

Dayanara Torres tinanggap na ang alok na pagdya-judge sa Miss U 2017

Tinanggap na pala ni Dayanara Torres in principle ang imbitasyon sa kanya para umapir sa Miss Universe beauty pageant na gaganapin dito sa 2017. Maraming iniwang tagasubaybay ang magandang Miss Universe na itinuring na ring kababayan ng maraming Pinoy dahil sa matagal niyang pananatili rito. Nakatulong pa rin para siya mas mapalapit sa maraming Pinoy nang magkarelasyon sila ni Aga Muhlach na hindi man natuloy sa altar ay mas naglapit sa kanya sa puso ng maraming Pilipino.

Lahat ay nalungkot nang magwakas nang hindi maganda ang marriage nila ng sikat ding Latino singer na si Mark Anthony. May dalawang anak silang lalaki na baka mabitbit niya ‘pag dumalaw rito.

Anak nina Janice at John mas pinili ang mag-tour sa ‘Pinas

May isa na namang anak sina Janice de Belen at John Estrada na nagpapakilala sa publiko. Kung ang dalawa niyang kapatid ay mas naunang mag-showbiz sa kanya, ang isa ay sa pag-aartista at ang ikalawa naman ay sa pagkanta, si Kaila Estrada ay sa larangan ng fashion at modeling gustong gumawa ng pangalan. Nakuha ito bilang SM’s Youth Ambassador at kasama ang iba pang kabataan ay lumilibot ng bansa para i-promote ang mga produkto ng pangunahing shopping mall ng bansa.

Gustuhin mang mag-artista rin ni Kaila ay wala siyang talento sa pagkanta at pag-arte ng mga kapatid niya na naunang mag-artista kaysa sa kanya.

Hindi naman masasakripisyo ang pag-aaral ng 20 taong gulang na kumukuha ng art management sa College of St. Benilde dahil walang makakapigil para makatapos siya ng kolehiyo. Ito ang prayoridad niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with