^

PSN Showbiz

AiAi tinigilan na ang pagpatol kay Kris!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakalusot si AiAi delas Alas para hindi na pag-usapan ang isyung paglipat ni Kris Aquino sa GMA-7 dahil sa pagpirma nito sa APT Entertainment o sa Triple A. Nakaisip siya ng brilliant na sagot para hindi na siya kulitin sa katatanong tungkol sa isyu nila ni Kris. Sabi ni AiAi, “Kasi po sa 26 years ko in show business, lahat po ng katanungan n’yo at ang buhay ko ay bukas na bukas.

“For the first time in my life, hindi po ako sasagot diyan sa tanong na ‘yan. Dahil ang dami naman pong katanungan na wala ring sagot. Kagaya ng, bakit hamburger ang tawag nila sa hamburger pero wala namang ham. Meron pang, bakit ang ABC katunog ng Twinkle Twinkle Little Star, wala ring sagot diyan.

“Eh kaya huwag na ‘yun. Tapos na ‘yun. Ayoko na kasing sagutin ‘yan eh. Ang daming katanungan na walang sagot.”

Kaya kahit i-rephrase mo ang tanong tungkol kay Kris, hindi na niya ito sinasagot.

Mas naka-focus na lang si AiAi sa 1st anniversary ng Sunday PinaSaya. Matindi ang paghahanda nila para sa dalawang linggong selebrasyon. Live ang espesyal na episode na mapapanood sa September 4 at 11, isa na rito ang live na musical play tampok ang buong hosts at co-hosts ng Sunday PinaSaya.

PAK: Sa presscon din ng anniversary celebration ng Sunday PinaSaya, nadulas si Barbie Forteza na nabanggit nitong nagpapagaling pa raw siya ng puso. Break na ba sila ni Kiko Estrada? “Lay low muna tayo sa ganyan, nagpapagaling pa ‘yung heart ko,” nakakaintrigang sagot ni Barbie.

Lalo namin siyang kinulit tungkol sa relasyon nila ni Kiko. “It’s too personal, pero okay na. I need to be okay,” sagot niya uli.

Tinanong uli namin kung single na ba siya ngayon at hindi na committed kay Kiko? “Getting there,” sabi niya uli.

Dagdag niyang pahayag, “Basta I see to it na maiba ko talaga ang personal life ko.”

Habang wala pang soap si Barbie at sa Sunday PinaSaya muna siya, balak daw niyang mag-aral. Naghahanap lang siya ng maayos na Criminology school. Balak daw niyang mag-aral ng Forensic Science.

BOOM: Hindi sumipot ang mag-asawang Sunshine Dizon at Timothy Tan sa hearing ng kasong Anti-Violence Against Women and Children at Concubinage.

Kahapon dapat magsumite ng affidavit sina Timothy at pati si Clarisma Sison pero no-show naman sila. Mga abugado lang nila ang sumipot, at hindi pa namin alam kung ano ang napag-usapan nila sa tanggapan ng Senior Prosecutor Fabinda delos Santos ng QC Hall of Justice.

Ang latest na narinig namin, inaayos pa ng kampo ni Timothy ang mga statement na ilalabas nila. Isa sa mga araw na ito ay magpapatawag si Timothy ng presscon para magbigay ng pahayag kaugnay sa posibleng pagbabago sa kaso. Hintayin na lang daw kung ano ang susunod na magaganap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with