^

PSN Showbiz

Angel takot mahirapang magbuntis!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Itinanggi ni Angel Locsin na mayroon na siyang bagong dini-date pagkatapos ng hiwalayan nilang muli ni Luis Manzano ilang buwan na ang nakararaan. Ayon sa aktres ay hindi pa siya nakahandang makipagrelasyong muli. “Hindi pa siguro ngayon. Kung dadating naman, dadating. Sa ngayon nag-e-enjoy lang ako hanging out with friends, family, trabaho. Gano’n lang muna. Masyado pang maaga pa rin,” giit ni Angel.

Samantala, ngayong mabuti na ang kondisyon ng likod ng aktres ay napababalita na posibleng siya pa rin ang gumanap bilang si Darna sa pelikula. “Ako pa rin naman para sa puso ko. Depende pa rin naman sa ABS-CBN ‘yun and kung babalik ‘yung health ko. Priority ko talaga ‘yung health ko. Kasi balang araw, gusto ko magkaroon ng baby. Gusto kong hindi naman ako mahirapan sa pregnancy ko. Medyo matagal pa ‘yun sa ngayon. Kung ia-allow, kung ‘yon ang will talaga ni God, ng ABS at ng mga tao, kung para sa akin, para sa akin. Kung hindi naman, hindi naman ako madamot eh,” nakangiting pahayag ni Angel.

Kung sakaling hindi magagampanan ng dalaga ang Darna ay mayroon naman daw siyang ilang mga naiisip na puwedeng gumawa nito. “Actually, may napasahan na ako noon. Hindi ko lang alam kung ano’ng nangyari. Pero may mga nakikita ako na puwede, may mga favorites ako. Dati I have three lang, ngayon I have five na, taga-ABS, dapat taga-ABS,” pagtatapos ng dalaga.

Bea maraming bagong nadidiskubre kay Gerald!

Kahit natapos nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang How To Be Yours na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ay napababalitang nagde-date pa rin ngayon ang dalawa.

Naging magkasintahan sina Bea at Gerald ilang taon na ang nakalilipas. Muling naugnay sa isa’t isa dahil nagkasama sa nasabing pelikula. “We are going out. Ang hirap ipro­seso. We are just really enjoying each other’s company. Lagi kaming nagkikita. Masaya kapag nagkikita kami. Hanggang doon lang muna I guess. Kung magiging kami, hindi ko alam. Mababalitaan n’yo agad-agad. I promise you,” pagtatapat ni Bea.

Mas nakilala raw ng aktres ang sarili ngayong si Gerald ang madalas niya nakakasama. “There are things na akala ko hindi ko kayang gawin pero parang kapag in-encourage nila akong gawin, him and his friends, parang kaya ko pa rin palang gawin. It’s very, very interesting to know na mayroon palang other side of me that I haven’t discovered before and he helps me discover that side. Nag-hike kami. Exciting naman. First time ko nag-hike in my life. Kasama namin ‘yung friends niya, cousin ko, friends ko,” kuwento ng dalaga.

Mas nakilala rin ni Bea ngayon ang binata at marami raw nadiskubre ang aktres kay Gerald. “Like how he is so passionate about helping others. I have never been close to a person na gano’n ka-genuine and ka-passionate sa pagtulong sa iba at sa pag-improve ng sarili niya for the country and for other people. Parang nagugulat ako kasi you don’t always meet people like that. I didn’t see that before in him,” pagbabahagi ni Bea.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with