^

PSN Showbiz

Jinggoy nakisali Pres. Duterte pasabog ang birthday gift kay Sen. de Lima

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bukas pala ang birthday ni Senator Leila de Lima at kung kailan siya magdiriwang ng kaarawan, saka naman pinasabog ni President Rodrigo Duterte ang intriga na may kaugnayan siya sa isang Warren Cristobal na MMDA escort at employee.

Hindi natinag si Mama Lei sa bagong balita ni Papa Rody tungkol sa personal life niya. Imbes na mag-deny, kinumpirma niya kahapon sa isang interbyu na miyembro pa rin si Warren ng kanyang security staff.

Ang mabigyan siya ng lovelife at itigil na ni Papa Rody ang madness nito ang mga birthday wish ni De Lima.

Sa true lang, tinututukan ng madlang-bayan ang sagutan ng pangulo at ng senadora dahil masahol pa sa kuwento ng isang teleserye na maraming twist ang mga eksena nila.

Dumagdag pa si ex-Senator Jinggoy Estrada na updated din sa mga nangyayari sa personal na buhay ni De Lima.

Si Papa Jinggoy ang naglabas ng litrato ni Warren at ng mga alleged questionable properties nito. Hindi pa nga natatapos ang isyu tungkol kay Ronnie Dayang na inili-link din kay De Lima, biglang umeksena rin si Warren. Ang saya-saya ‘di ba? Natalbugan na nila ang mga showbiz controversy at scandal!

Camp Sawi dinagsa ng mga kalalakihan

Congrats sa Viva Films dahil marami ang nanonood ng Camp Sawi. Mabilis na kumalat ang balita na maganda at entertai­ning ang pelikula na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules.

Mga babae at lalaki ang nanonood ng Camp Sawi, kahit tungkol sa limang babae na mga sawi sa pag-ibig ang kuwento ng pelikula.

Inaasahan na mas madaragdagan ang mga manonood ng Camp Sawi ngayong weekend at sa mga susunod na araw dahil payday sa August 30 at holiday sa Lunes.

Tulad ng sinabi ng mga nakapanood ng Camp Sawi, sulit na sulit ang ibabayad sa box office dahil feel good ang pelikula nina Andi Eigenmann, Kim Molina, Yassi Pressman, Arci Muñoz at Bela Padilla.

Angel puwedeNG maka-relate sa Camp Sawi

How nice to know na dumalo si Angel Locsin sa premiere ng Camp Sawi bilang suporta sa kanyang kaibigan na si Bubbles Paraiso na dalawa lang ang eksena at wala pang dialogue.

Maituturing na sawi sa pag-ibig si Angel dahil dinamdam niya ang break up nila ni Luis Manzano. Hindi lang tayo sure kung naka-relate siya sa kuwento ng pelikula na pinanood niya.

Starring din sa Camp Sawi ang comedian na si Jerald Napoles pero hindi ito nakasipot sa red carpet premiere at sa anniversary presscon ng Sunday PinaSaya dahil nasa New Zealand siya para sa shooting ng Once In A Lifetime ng Regal Entertainment, Inc.

Naglabas ang Viva ng video nina Jerald at Piolo Pascual. Kuha ang video sa international airport ng New Zealand at kiyeme-kiyemeng nagmamadali sina Jerald at Piolo na makabalik sa Pilipinas para maabutan nila ang showing ng Camp Sawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with