^

PSN Showbiz

Kim buntis kay Joross

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagpapatuloy ng Juan Happy Love Story sa GMA 7, nagpasalamat sina Juan (Dennis Trillo) at Happy (Heart Evangelista) kay Bob (Joross Gamboa) sa ‘di pagtuloy ng field trip para lang makasama nila si Katkat. Bob hopes na mabalik na sa kanila si Katkat.

Sa bus, pinagsabihan ni Didith si Katkat dahil sumama ito sa mag-asawa. Big­lang gegewang ang bus at mawawalan ng preno.  Tatama ang bus sa poste at mawawalan ng malay ang driver. Agad naman na titignan nina Sister Arsenia and Didith ang lagay ng mga batang takot na takot. 

Pauwi na sina Juan at Happy. Just then, makikita nila ang bus na sinasakyan ng mga bata. Bababa sila agad ng sasakyan para tulungan sina Didith at Sister Arsenia. Pero makikita nilang naiwan sa loob si Katkat.

Agad na tumakbo si Juan sa bus para iligtas si Katkat. Takot na takot ang bata at hindi makagalaw. Juan gives her the courage to walk up towards him. Nang makalapit na si Katkat sa kanya, agad niyang hinila ito para makalabas na sila ng bus at masaya silang sasalubungin ni Happy.

Naihatid na ang mga bata sa orphanage. Todo pasalamat si Sister Arsenia kay Juan dahil sa pagsagip ng buhay ni Katkat.

Sinabi ni Juan na handa niyang itaya ang buhay para sa bata. Hihingi rin ng paumanhin ang mag-asawa kay Didith for what they did. Pero cold lang si Didith. Aalis na sina Juan at Happy. Lalapitan ni Sister Arsenia si Didith to tell her na mukhang sincere naman ang dalawa. Kahit papaano, tatablan si Didith.

Meanwhile, nasa OB-GYNE sina Agatha (Kim Domingo) at Evelyn. The doctor tells them na confirmed na buntis nga talaga si Agatha. Pero imbes na matuwa si Agatha, magwawala siya sa galit.

Nakauwi na sina Agatha at Evelyn. Gustong uminom ng wine ni Agatha, pero pipigilan siya ng kanyang tiyahin. Dito sasabihin ni Agatha na hindi naman talaga kay Juan ang ama ng dinadala niya, kundi si Bob.

Ano kaya ang susunod na hakbang ni Agatha? Panoorin ang susunod na tagpo Juan Happy Love Story sa GMA 7 gabi-gabi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with